"Talaga po? Lahat po ba ng CEO or taga pag mana eh may nutritionist?"

"Yes. Why?"

"W-Wala po. May na alala lang akong kdrama. About doon sa nutritionist." Nakangusong saad ko. Agad kung na isip si ano. Oo si ano. May nutritionist pala sya. Kaya pala minsan kami nalang ang na kain ni Star. Sino naman kaya ang nutritionist nya? Ha? Tanong ko kaya kay Kuya Jayyvine. Ay huwag na. Nakakahiya naman kay Kuya Jayyvine. Saka ang awkward. Kung tatanungin ko pa sya kung may nutritionist ba si ano.

Kaya huwag na.

"Hey. Malapit ng mag 12. I need to eat. You can order yours too." Irap na saad ni Ma'am Genevieve. Mabilis akong napatingin sakanya. "Talaga po? Pero bakit po ako? Bakit hindi si Personal Assistant nalang yung kumuha? Bakit ako pa?" Nakangusong tanong ko. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Personal Assistant. Mahina namang na tawa si Ma'am Genevieve. "Duh, he's my butler. Saka for outside purposes lang sya. At ikaw naman for work. Kaya once na nasa office tayo. Here in my company. Alam mo na. Ikaw ang palaging uutusan."

"Ah. Ganoon po pala kapag secretary?"

"Yes. Dapat alam mo din ang bawat department. Kaya dapat maaga ka. Para makapag ikot ikot kasa kompanya ko. Tsk." Irap na saad ni Ma'am Genevieve. Napangiti naman ako. "Ganoon pala kapag secretary." Nakangiting saad ko. Suminghal si Ma'am Genevieve at kinuha yung phone nya. "Go. Call my nutritionist. Pwede kadin bumaba para naman alam mo bawat department ng kompanya."

"Ok ma'am! Hihintayan ko pa po ba yung food mo na iakyat dito? Bago ako umakyat?"

"Of course." Irap na saad ni Ma'am Genevieve. Nakangiti akong tumango tango. Mabilis akong tumayo at nag lakad palabas ng office ni Ma'am Genevieve. Napanguso ako nung wala na akong na kitang guard. Mabilis akong napatingin kay Ma'am Genevieve. Agad ulit akong pumasok. Napataas bigla ang kilay ko nung makita si Personal Assistant na nasa inupuan ko na kanina. Sa harap ni Ma'am Genevieve.

"Y-Yes? May kailangan kapa?" Tanong ni Ma'am Genevieve. Agad akong umiling iling. "W-Wala po. Wala. Nagulat lang ako kung bakit po wala na yung mga guard sa labas." Nakangusong saad ko. Sinundan ko ng tingin si Personal Assistant. Nakita ko na agad ulit syang tumayo. Nag lakad sya papunta sa gilid ni Ma'am Genevieve. Bumalik sya sa kinatatayuan nya kanina. "Tsk. Ganoon talaga. May break ang lahat. They need to eat. Don't mind them. You should go na. Umalis kana nga." Inis na saad ni Ma'am Genevieve.

Nakanguso nalang akong tumango tango. Mag lakad ako palabas. May dala akong blueprint ng kompanya. Naka screenshot yun sa phone ko kaya alam ko kung saan ang department at floor ng mga nutritionist. Nasa 6th floor lang naman sila. Kaya medyo na tagalan ako. Ng makarating ako sa department nila ay may sumalubong na agad sa akin. Nakangiti yung babae na tinanong ako kung ano gusto ko. Tinanong ko kung handa naba yung kay Ma'am Genevieve.

Oo daw. Nakalimit si Ma'am Genevieve ngayon. Kaya puro gulay at prutas daw ang kakainin nya. Naka handa na ang pag kain ni Ma'am Genevieve. Naka preserve naman daw ito sa mainit na lalagyan. Hindi ko maintindihan yung sinasabi nya. Pero yun ang pag kakaintindi ko. Sinabi ko kahit ano nalang. Hindi naman ako diet. 30 minutes din ang tinanggal ng pag hihintay ko ng pagkain.

Sabi ni Ma'am Genevieve. Kailangan daw palagi akong may relo. Para mamanage ko yung oras ko. Nadinig ko yun na sinabi nya sa akin habang nag scroll ako ng email. Ng matapos na ang pag luluto. Ay marami kaming umakyat. Alam na alam nila kung saan. Akala ko sa office kakain. May kainan papala si Ma'am Genevieve.

Ng makarating kami sa kainan nayon ay andoon na si Ma'am Genevieve at si Personal Assistant. Nilapag na nung mga nutritionist ang luto nila sa harap ni Ma'am Genevieve. Nagulat ako nung sabay sabay kaming tatlo kumain. Hindi nalang ako nag salita. Kasi ang sarap ng pagkain. 20 minutes kaming kumain ni Ma'am Genevieve at Personal Assistant. Pag katapos nun ay nag lakad na kami pababa.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Where stories live. Discover now