Ika-62

1.4K 37 22
                                    

METEOR POV'

"GOOD Job. Matutuwa nito si dad." Nakangiting saad ni Ma'am Genevieve sa akin. Naka upo sya sa lamesa habang hawak yung folder nama'y pirma ni X. Tipid akong ngumiti kay Ma'am Genevieve. Samantalang si Ma'am Genevieve naman ay nag niningning ang dalawang mata. Habang nakatitig sa folder. "Paano mo sya na papirma? X is a man na hindi basta basta mag papapasok ng another kompanya sa company nya. How did you do that? Your amazing ha."

"A-Ano lang po. Nag magic lang."

"What kind of magic did you use? I want to learn."

"Secret na po yun Ma'am."

"Silly. By the way. 4 days kapalang nag tatrabaho sa kompanya ko. Maayos kanaman pala. Pero gaya gaya kalang ng taste sa fashion ko." Irap na saad ni Ma'am Genevieve sa dulo. Ngumuso ako. "Ma'am hindi po ako gaya gaya no." Nakangusong saad ko. Umirap si Ma'am Genevieve. "Basta. Gaya gaya kapadin sa taste ng fashion ko. May meeting pa ako. Let's go." Agad na binaba ni Ma'am Genevieve yung folder sa lamesa nya. Maingat pa ang pag kababa nito.

Agad kaming nag lakad palabas. Nasa labas nalang naka tambay si Personal Assistant ngayon. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi inalis na ni Ma'am Genevieve yung mga guard nung unang araw. Yung anim na guard. Napag kamalan panga nila ako na si Ma'am Genevieve eh. Mahal siguro maningil kapag swelduhan na yung anim nayon. Kaya inalis ni Ma'am Genevieve. Si Personal Assistant nalang tuloy yung naka tayo sa labas.

"Let's go." Saad ni Ma'am Genevieve. Nauuna syang nag lalakad. Naka sunod naman kaming dalawa ni Personal Assistant sakanya. Kagaya ng dati. Naka abang na yung Van na sasakyan ni Ma'am Genevieve. Ako kasi ang nag minessage doon. Sinesend ko sakanila yung mga appointment ni Ma'am Genevieve. Para alam nila kung aalis ba o hindi.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng Van. Hanggang sa matapos ang araw na ito na puro meeting. Ganoon din ang ginawa namin sa sumunod na araw. Hanggang sa mag Thursday. Uwi na ni Keilla. Mamayang 7. Susunduin namin sya ni Star at nila Tita sa airport. Wala padin akong contact kay Kuya Jayyvine. Hindi nya naman ako tinatawagan eh!

Ano na kayang ginagawa nya ngayon?

Malalim akong bumuntong hininga. At tinutuk nalang ang sarili ko sa trabaho buong araw. Pagod na pagod akong nakauwi. Pero kahit ganoon. Inasikaso ko padin si Star. Binihisan ko sya. Dahil pupunta pa kami sa airport. "Who's Tita?" Nakangusong tanong ni Star sa akin. Habang inaayos ko ang buhok nya. Nag kibit balikat ako. "Si Tita Keilla mo. Hindi mo pa sya na kikita pero best friend ko din sya Star."

"Like Tita Airish?"

"Yes Star. Kaya dapat mag pakabait kadin sakanya ha?"

"Is she going to die too?" Agad akong napahinto sa pag tatali sa buhok nya nung bigla nyang itanong yun sa akin. Nakagat ko ang ibaba kung labi. At mabilis na umiling. "Syempre hindi Star. Hindi na pwedeng mamatay ang Tita Keilla mo. Kinuha na si Tita Airish mo. Hindi pwedeng si Tita Keilla mo din." Nakangiting saad ko.

Ngumuso si Star. "Is she good?" Nakangusong saad ni Star. Agad akong tumango tango. "Oo naman Star. Napaka bait ng Tita Keilla mo. Kaya ikaw. Huwag mong tatarayan si Tita Keilla mo ha? Bad yun." Pag papaalala ko kay Star. Agad namang tumango tango si Star. "Ok po mommy." Saad ni Star. Nakangiti ko naman syang binuhat.

"Tara baba na tayo. Ah! Ang bigat na ng Star ko." Natatawang saad ko. Yumakap lang sa akin si Star. Nakaka siguro akong inaantok na sya. Kanina daw kasi ay nag laro sa lupa sa likod bahay si Star. Nag tanim daw kasi ang mga Lola. Kaya siguro na pagod si Star ng ganito. Nag lakad kami pababa. Napahinto ako sa pag lalakad sa hagdan nung biglang lumitaw si Kuya Jayyvine.

"Kuya!" Nakangiting saad ko. Ngumiti naman sya. "Ang tagal mo yatang di umuwi ha?" Nakangusong tanong ko kay Kuya Jayyvine. Tumawa naman si Kuya Jayyvine at inabot sa akin yung paper bag na hawak nya. Anim na paper bag yun. Kinuha nya si Star sa akin. Si Star naman ay walang pakialam na nag pabuhat kay Kuya Jayyvine. Nakatitig na ito sa paper bag na hawak ko. "Wow!" Tuwang tuwa na saad ni Star habang nakatingin sa paper bag na hawak ko.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon