Ika-46

1.1K 29 30
                                    

METEOR POV'

"KILALA Ko yung kotse nayon." Mahinang bulong ko nung makababa ako sa Van. Tumawa si Swords. "Talaga, talaga?" Natatawang saad nya. Inirapan ko sya at nag lakad papunta sa kotse na naka park. Ng makaharap ako sa kotse ay agad akong tumawa ng sarkastika. "Sabi na eh. Kilala ko may ari nito." Sarkastikang tawang saad ko. Sininghalan ako ni Swords. "Lasing kalang uy."

"Ano kaba di ako lasing."

"Talaga, talaga lang ha?"

"Oo nga. Ingay mo." Nakangiwi kung kinuha ang device ko bago mabilis na tinutok sa gilid ng kotse. Sa secret na susian nito. Agad naman yung bumukas. "Wow ha. Ginagamit mo sa illegal yang Key Car detector mo ha." Nakangiwing saad ni Swords. Tiningnan ko sya bago tinaasan ng kilay. "Ano naman?" Taas kilay na tanong ko bago pumasok sa loob ng kotse.

"Sama ng ugali mo." Nakangiwing saad ni Swords bago nya itinaas ang gitna nyang daliri at bumalik sa Van. inirapan ko sya. Sinara ko ang pintuan bago humiga sa upuan ng kotse. Pinababa ko ang upuan ng bahagya para maging maayos ang pag kakahiga ko. Ilang minuto ang lumipas nakadinig ako ng isang malakas na putok na baril sa pintuan ng kotse. Napasinghal ako at napa silip. Tsk. Ayan na pala sila.

Ang daming pinag sasabi nung lalaking nag paputok ng baril. Dahil sa inis ko ay wala na akong na gawa kung hindi ang lumabas sa kotse. Nakita ko ang pag nganga nung lalaking may hawak ng baril. "Ako." Inis na sagot ko sa tanong nito kanina. Agad akong napatingin sa likod nung lalaki. Napangisi ako sa loob loob ko nung makita sya. Nag lakad ako papalapit sakanya bago mabilis na nilapit ang mukha ko. I can see his eyes. It's priceless.

Natawa ako sa na isip ko. Mas lalo ko pang ni lapit ang mukha ko sa mukha nya bago ko itinitig ang mata ko sa mata nya. He's dark brown eyes. Looks perfect as hell. "Buntis ako. Ikaw ang Ama." Mahinang saad ko habang nakatitig sa mata nya. Nakita ko kung paano umawang ang labi nito dahil sa sinabi ko. "What the?" Dinig kung bulong nung lalaking nag paputok ng baril kanina.  "Seriously? Is this for real?" Nakatulalang tanong nito sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay bago ako nag cross arms na lumayo sakanya. Nag kibit balikat ako. "Asan si Star?" Taas kilay na tanong ko. Narinig ko ang sunod sunod na pag ubo nung nasa likod ko. Naramdaman ko ang agad na pag lapit nung lalaki sa akin. Mabilis nya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Bago mabilis na lumapit kay X. "Is that your wife?" Mahinang bulong nung lalaki na dinig ko naman. Suminghal si X bago nag lakad papalapit sa akin.

"I want to tell you something." Agad na saad ni X. Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano?" Taas kilay na tanong kay X. Napatingin sya doon sa lalaki na kasama nya bago malalim na bumuntong hininga. Agad nyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Agad ko naman yung inagaw. "Asan si Star?" Seryosong tanong ko. Walang expresyon ang mukha nya pero na kikita ko ang takot sa mukha nya. "Sagutin mo ako ng totoo." Seryosong saad ko habang nakatitig sa mata nya.

Napalunok si X. Hahawakan nya sanang muli ang kama'y ko pero iniwas ko ito para hindi nya ako mahawakan. "M-Marites." Mahinang bulong nito. Mas lalo ko syang tinaasan ng kilay. "Naihatid mo ba si Star kila Tita Sadi?" Seryosong tanong ko kay X. Agad syang napayuko. Napasinghal naman ako. "Asan sya ngayon?" Seryosong tanong ko sakanya. Hindi sya nag salita. Napatingin lang sya sa baba kaya agad akong nakaramdam ng inis.

"Huwag mong sabihin na hindi mo sya na ihatid kila Tita Sadi?" Inis na saad ko. Hindi nanaman sya kumibo. Malalim akong bumuntong hininga. Nag pipigil sa inis ko. "Wala kang kwentang Ama." Inis na saad ko bago mabilis syang tinalikuran. Napatingin ako sa kasama nya. Nakatulala lang sya sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay. Agad naman syang napayuko at napa usog sa gilid. Sininghalan ko sya bago nag lakad.

Nakaka tatlong hakbang palang ako nung bigla akong tawagin ni X. "M-Marites wait." Dinig kung saad ni X. Huminto ako sa pag lalakad. Hindi ako lumingon sakanya. Nakatayo lang ako ng tuwid. "Let's go home. Mamaya nasa bahay narin si Star." Mahinang saad ni X. Napairap ako. "Saka ako uuwi kapag andoon ang anak ko." Inis na saad ko bago ako nag lakad papalayo sakanya.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Where stories live. Discover now