Ika-59

1.4K 33 27
                                    

METEOR POV'

"AIRISH! Huwag mo akong iwan!" Malakas na iyak ko nung unti unting bumaba ang kabaong ni Airish sa lupa. May nag hahagis na na puting rosas. Naiyak naman si Tita Sadi. At ang dalawa ding Tita. Samantalang si Kuya Jayyvine ay naka tayo lang sa gilid ko habang buhat buhat si Star. Nakatingin lang si Star sa kabaong ni Airish na pababa na ngayon sa ilalim ng lupa. Kagaya ni Kuya Jayyvine ay wala din itong expression.

Napatingin ako kay Csm nung bigla nya akong sanggiin. "Hoy, langya ka. Kapag isunod kanyan. Hindi ako mag aalalaga kay Star. Sige ka. Nanakal ako ng malditang bata at mag nanakaw ng pizza." Bulong ni Csm. Napanguso naman akong huminto sa pag iyak bago tumingin kay Csm. "Nanakal kaba talaga?" Pag tatanong ko kay Csm. Habang sumisinga singa sa hangin.

Mabilis na tumango si Csm. "Gusto mo itry ko sayo?" Taas kilay na tanong sa akin ni Csm. Bakas sa boses nya na willing talaga syang sakalin ako ngayon dito sa libing ni Airish.

Mabilis akong umiling iling. "A-Ayoko." Iling iling na saad ko kay Csm. Suminghal naman si Csm. "Yun naman pala eh." Nakangiwing saad ni Csm. "Kaya tumahimik kana dyan. At huwag ng mag salita ng kung ano ano. Ang ingay mo eh." Nakangiwi pang dagdag nya. Mabilis nalang akong tumango tango habang naiyak padin.

Kagaya ng sinabi ni Csm ay hindi na ako nag salita pa. Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa matapos ang libing. Hindi na kami tumambay sa pinag libingan ni Airish. Nung umalis din ang mga naki libing ay na din kami. Nag lakad kami palabas ng sementeryo. Nasa labas ng sementeryo ang parking lot. Kaya kailangan naming mag hantay dito sa labas ng sementeryo."Dito muna kayo. Kukunin ko lang yung kotse." Saad ko Kuya Jayyvine.

Mabilis naman akong tumango tango. Wala pading kibo ang tatlong Tita. Buhat buhat ko si Star habang nakatayo kami dito sa gilid ng labas ng sementeryo. "Mommy. My shoes!" Mabilis na saad ni Star at agad na tinuro ang paa nya. Nagulat ako nung makitang wala na yung isang sapatos nya sa paa nya. "Asaan na?" Takang tanong ko kay Star. Mabilis na ngumuso si Star. Na parang iiyak.

"I think it feel mommy. I d-don't want to lose it. Bigay yun sa akin ni Airish!" Maluha luhang saad ni Star. Malalim akong bumuntong. "Sige. Babalikan natin yung sapatos mo. Hahanapin natin yun." Nakangiting saad ko kay Star. Mabilis naman syang tumango tango. "Let's go." Nakangusong saad ni Star. Buhat buhat ko syang bumalik sa pinag libingan ni Airish.

Nahirapan pa ako sa pag lalakad. Dahil malaki at mabigat na si Star. Ang hirap nya ng buhatin! "Mommy. Faster." Maluha luhang saad ni Star. Tumango tango ako kay Star. Hingal na hingal na ako. "Oo, Star. Malapit na tayo." Hingal na hingal na saad ko. Liliko na sana ako pero bigla akong napahinto sa pag lalakad nung may bigla akong makasalubong na tao na hindi ko inaasahan na makaka salubong ko. A-Andito pa sya?

"M-Meteor." Gulat na saad ni X. Nakita ko sa kama'y nya ang sapatos ni Star.

Nakita ko ang biglang pag kunot nuo ni Star. Mukhang inaalala nya si X kung saan nya na kita. "A-Akin na yung sapatos ni Star." Mabilis na saad ko. Agad namang tumayo tango si X. Kukunin ko na sana yung sapatos sa kama'y ni X. Pero si X na mismo ang nag suot sa paa ni Star. "Gorgeous." Dinig kung bulong ni X. Malalim akong bumuntong hininga. "Salamat." Mabilis na saad ko at agad na tumalikod.

Mag lalakad na sana ako pero hindi ko na nagawa nung biglang mag salita si X. "Do you want me to lift Star?" Mahinang tanong ni X. Bakas sa boses nito na nag aalangan syang sabihin iyun. Mabilis akong lumingon sakanya kahit na hihirapan na ako dahil sa bigat ni Star. "Salamat na lang." Mabilis na saad ko. Mag lalakad nanaman sana ako pero mabilis nanamang nag salita si X. "I think you really need my help." Agad pang saad ni X.

Inis akong napatingin sakanya. "Hindi ko nga kailangan ang tulong mo. Saka kaya naman na ni Star ang mag lakad. Diba Star mag lalaka-----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang hawakan ni Star ang leeg ko at mabilis na yumakap sa akin. "No!" Mabilis na saad ni Star na parang maiiyak pa. Malalim akong bumuntong hininga. "Huwag mo na kaming sundan. Hindi kita kailangan."

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon