Ika-52

1.3K 33 25
                                    

METEOR POV'

HINDI KAMI Umuwi ni Star sa mansyon. Napag isip isip ko na masyadong malaki ang mansyon para sa aming dalawa ni Star. Alam ko naman na nahindi na uuwi si X sa bahay. Kilala ko na sya. Once na andoon na sya sa taong yun. Nahihirapan na syang umalis. Nahihirapan na syang umuwi sa mismong pamilya nya. Napag pasyahan ko na umuwi dito kay Airish. Maliit man yung bahay namin dito sa Nueva Ecija atleast hindi ko mararamdaman yung na raramdaman ko doon sa mansyon.

"Daddy?" Mahinang bulong ni Star sa akin nung makababa kami sa tricycle. Buhat buhat ko sya. Hindi ko alam kung tulog ba talaga si Star o hindi. Nakasandal kasi sya sa balikat ko. Malalim akong bumuntong hininga. "Hindi ko alam Star. Dito muna tayo kay Tita Airish mo." Buntong hiningang saad ko kay Star. Hindi na nag salita si Star. Mukhang tulog ito at hinahanap ang daddy nya.

Nasasaktan ako dahil mukhang si Star pa ang kailangan mang limos ng oras sa daddy nya.

Nag lakad ako papunta sa pintuan ng dati naming naging bahay ni Airish. Napangiti nalang ako nung mag flash back lahat ng magandang memories namin ni Airish nung unang lipat namin dito. Napaka saya namin doon. Wala akong inaalalang kung ano. Wala akong ibang iniisip. Kung hindi sya lang. Ang dapat kung bantayan. Malalim akong bumuga sa hangin at kumatok sa Apartment nya. Oo kay Airish nalang. Matagal narin akong hindi nakapunta dito.

Huling punta ko dito ay yung pag alis ko din dito. Ngayon nalang ako bumalik. At nakaka tawa pa eh. Umalis ako ng masaya, puno ng pag asa at diterminado habang si Star ay nasa loob pa ng tyan ko. Hindi ko aakalaing babalik pala ako dito sa Apartment na to na parang isang gulay na pinag pilian. Buhat buhat si Star. Puno ng sama ng loob ang buong parte ng katawan. At napaka baba ng tingin sa sarili.

Ako yung asawa pero hindi ko alam kung ako ba talaga yung tinuturing nyang asawa.

Sunod sunod ang ginawa kung katok hanggang sa makadinig ako ng yapag na papalapit dito sa gate. Nadinig ko ang pag kalampag nung bakal sa loob na sinyales ng pag bukas ng gate. Agad na bumungad sa harap ko ang umuusok na mukha ni Airish. Mag sasalita na sana ako pero hindi ko na nagawa nung bigla nya akong unahan. "BAKIT BA BUMALIK KANANAMAN?! DIBA SABI KO HUWAG KANANG BUMALIK!" Napaka lakas na sigaw ni Airish.

Sabay harap sa amin ni Star. Napaawang ang labi ko sa pag sigaw nya. Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa hindi makapaniwalang pag sigaw nya nung mga salitang yun. Naangat ni Star ang tingin nya sabay tingin kay Airish dahil sa sigaw nayon. "A-Airish?" Maluha luhang saad ko nung mag tama ang tingin naming dalawa.

"A-Ah tanga. Ikaw pala Meteor. A-Akala ko kasi si ano eh." Gulat na saad ni Airish. Napanguso ako. "Ayaw mo na pala akong bumalik dito? Pasensya kana Airish ha. A-Alam ko kasing hindi to mapupuntahan n-ni X eh. Kaya dito ako pumunta kasama si Star." Nakangusong saad ko sabay Yuko. Hindi ko alam kung bakit parang na iiyak ako. Siguro masakit lang talagang isipin na ayaw na sa akin ni Airish.

"H-Hoy! Tanga! Hindi! Akala ko kasi si ano eh! Basta yung ibang tao na perwisyo na palaging kumakatok dito sa bahay!" Inis na inis na saad ni Airish sabay cross arms. Kitang kita ko ang inis sa mukha nya. Taka ko syang tiningnan. "P-Perwisyo? May manliligaw kabang dumadalaw? Diba yan din yung sinabi mo sa akin nung nanliligaw si ano sayo. A-Ano ngang pangalan nun? Dodong?" Nakangusong tanong ko kay Airish.

Agad na nanlaki ang mata ni Airish. Sinamaan nya ako ng tingin. "Heh! Ang panget mo talaga Meteor! Diba sabi ko burahin mo nayon sa isipan mo?! Parang tanga kanaman eh!" Agad na saad ni Airish habang ang sama sama ng tingin sa akin. Napanguso ako sabay tango. "Ay oo nakalimutan ko na. Pero may manliligaw Kaba talaga ngayon Airish?" Curious na tanong ko kay Airish na parang nag tatanong ng latest na chismis.

Pinanlakihan ako ng mata ni Airish. "Shut up kanga! Tsk! Para kang tanga wala! Tara pasok na nga dito! Baka may dumating pang perwisyo eh!" Agad akong nag lakad papasok sa gate. Napanguso ako nung malakas na isinara ni Airish yung gate. Napatingin ako sa likod nya. Agad na bumalik sa isip ko yung manliligaw nyang si Dodong. Mabait yun si Dodong, tapos may itsura na Moreno.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon