Ngumiwi lang yung isang lalaki. "Si ma'am nasa loob." Bulong pa nung isang lalaki. Ngumiti nalang ako sakanila. "Hi! Ako yung secretary. Hehehe." Nahihiyang saad ko. Ngumiti lang sila sa akin bago ako pinag buksan ng pinto. Nakaka isang hakbang palang ako papasok sa loob ng opisina nung may isang malakas na boses ang umecho sa loob ng opisina na nag pabalik ng hakbang ko. "Why are you late?!" Malakas na sigaw ni Ma'am Genevieve.

Napanguso ako bago pumasok sa loob ng opisina. Sinara nung isang guard yung pintuan. Nakita ko si Personal Assistant na naka tayo lang sa gilid ni Ma'am Genevieve. Wala bang balak si Ma'am Genevieve na paupuin si Personal Assistant? Kawawa naman. Mukhang nakatayo sya buong mag hapon. Kagaya nung mga guard na nasa labas. "Hey! Why are you late! And wait! You have a same outfit with mine!" Napaka lakas na sigaw ni Ma'am Genevieve.

Mas lalo naman akong napanguso. "Parehas po talaga tayo ng fashion." Nakangusong saad ko. Agad na naningkit ang mata ni Ma'am Genevieve. "Nalate kaba para malaman kung anong suot ko ha?!" Naniningkit ang matang tanong ni Ma'am Genevieve. Mabilis naman akong umiling iling. "Hindi mo po! Yung anak ko po kasi. Ayaw nya akong paalisin. " Mabilis na iling iling ko. Agad na nag taas ang kilay ni Ma'am Genevieve.

"May anak kana pala?" Taas kilay na tanong ni Ma'am Genevieve. Mabilis akong tumango tango at agad na kinuha yung selpon ko. Agad kung pinakita kay Ma'am Genevieve yung lock screen ko. "Ito po yung anak ko oh! Si Star po ma'am!" Nakangiting saad ko kay Ma'am Genevieve habang hawak hawak yung selpon ko. Nakita ko na napatitig si Ma'am Genevieve sa selpon ko. Bago mabilis na umirap. "Inferness kamukha mo nga. Pero bakit nga tayo mag kaparehas ng damit?!" Inis na tanong ni Ma'am Genevieve.

Ngumuso nanaman ako at agad na tinago sa bag ko yung phone ko. "Ewan ko po ma'am." Nakangusong saad ko. Inis na umirap si Ma'am Genevieve. Malalim syang bumuntong hininga. "Pasalamat ka wala akong meeting ngayon. Kung hindi tanggal kana." Inis na inis na saad ni Ma'am Genevieve. At muling umopo. Napanguso naman ako at nag lakad papunta sa harap nya. "Ma'am wala kapala pong meeting ngayon? Eh after lunch po? May meeting kapo kaya?" Nakangusong tanong ko kay Ma'am Genevieve.

Agad na nag agat ang tingin nya. Nakita ko ang mga kidlat sa taas ng ulo nya. Pati yung mukha nya may kidlat nadin dahil sa gigil. Ala bolang? Anong ginaga ko? Wala naman diba? Kaya bakit sya parang na gagalit? "Bakit hindi mo alam kung may meeting ako oh wala! Diba ikaw yung secretary ko?!"

"O-Oo nga po ma'am. Ako po yung secretary mo."

"Oh! Yun pala eh! Bakit hindi mo alam kung may meeting ba ako mamaya?! Don't tell me. Hindi mo tiningnan yung email mo kagabi."

"H-Hindi nga po. Nakatulog po kasi ako kagabi eh. Ang dami ko po kasing ni labhan pag uwi ko."

"Aish! Pwede ba?! Basahin mo nalang ngayon yung email mo! Mababaliw ako sayo!" Inis na inis na saad ni Ma'am Genevieve. Nakanguso akong tumango tango at kinuha yung phone ko. Nakita ko ang pag irap ni Ma'am Genevieve. Nag simula na syang mag sulat sa bawat folder. Ako naman ay nag simula ng tumingin sa mga email ko. Napanguso ako nung makita na napaka dami kung email.

Nag e-exist pala ang mga ito?

Nakanguso akong nag scroll. Tiningnan ko talaga isa isa ang mga email. Hanggang sa mabasa ko ang lahat. Nalaman ko nama'y meeting si Ma'am Genevieve mamayang 1. About ito sa gathering. Tapos mamayang 12. Kailangan nyang kumain. Hindi ko inakala na ilang oras na pala ang lumipas simula nung nag scroll scroll ako sa email. Grabe ang bilis.

Mabilis akong tumingin kay Ma'am Genevieve. Nung makita ko syang nag liligpit na ng mga inaasikaso nya. "Ma'am Genevieve. Ako paba kukuha ng kakainin mo o si Personal Assistant. Nalang po kukuha?" Nakangusong tanong ko kay Ma'am Genevieve. Inangat ni Ma'am Genevieve ang tingin nya sa akin. Bago sya mabilis na umirap. "I have a nutritionist. You just have to call her. Or pwede din na ikaw nalang pumunta sa baba. It's up to you."

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Where stories live. Discover now