25

44.1K 1.2K 427
                                    

"Anak, hindi mo naman sinabi na may girlfriend pala siya!"

Kakauwi pa lang namin ay hindi na ako tinantanan ni mama. Pati sa pagsasaing ng kanin ay sinusundan ako. Tinatanong-tanong kung totoo ba ang sinabi ni Zyle sa mga reporters. Bakit ba kasi kailangan niya pang sabihin 'yon? Ngayon, pati nanay ko, nakikichismis na din!

"Ako nga." Bulong ko.

"Ano? Anong sinabi mo?" Naglakad ito palapit sa akin. "Hindi ko narinig anak!"

I closed my eyes and sighed. "Ang sabi ko ma, hindi ko alam kasi personal assistant niya lang ako."

"Kahit kaonting chismis? Wala kang nasagap?" paninigurado pa niya.

"Wala ma." sabi ko at nilagpasan siya. "AJ! Ikaw na tumingin sa sinaing ko!" pasigaw na utos ko sa pinsan ko.

Nilock ko ang pintuan ng kwarto ko pagkapasok at mabilis na kinuha ang laptop ko. Sinearch ko ang issue nila ngayon pero wala pa talagang nasasagap ang media. Ang nagtretrending lang ngayon ay ang pangbla-blackmail ng daddy ni Mika kay Zyle.

Mika's dad pushed Zyle to propose in front of media's for more engagement. Ngunit hindi din ako sigurado kung 'yon lang ba ang rason. Ano na kaya ngayon ang reaksyon ng mommy ni Zyle? Botong-boto pa naman ito sa babae na 'yon.

Masasabi ko ding kahit kaonti ay nabawasan ang inis at galit ko kay Zyle. Pero hindi pa din doong nagtatapos! Naiinis pa din ako sa kaniya kasi wala siya tuwing ginugutom ako! Tapos wala din siya kapag nagigising ako! Tapos wala siya sa kwarto! Tapos hindi pa niya ako minemessage!

Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbrobrowse sa laptop pero pagkaraan ay lumabas na din ako para kumain. Salo-salo kaming apat, si AJ kasi ay dito na kumakain, dito na din siya natutulog kahit sa tabi lang naman ng bahay namin ang bahay nila.

"Ako na maghuhugas. Tapusin mo na 'yung mga homework's mo." sambit ko sa pinsan ko.

Sumilay ang malawak niyang ngiti. "Talaga ate? Hindi ka nagjojoke?"

"Hindi nga. Sige na, baka magbago pa ang isip ko." asik ko na ikinatalon niya habang umaalis sa kusina.

Sila mama at papa naman ay nasa sala na din. Nanonood ang mga ito ng paborito nilang teleserye sa gabi. Nang matapos ako sa mga gawain ay bumalik na ulit ako sa kwarto para maligo at makapagpahinga na.

Hihiga na sana ako sa kama nang mapansin ang katawan ko sa salamin. Lumapit ako roon at tinaas ng bahagya ang shirt ko. Flat pa naman pero ramdam na ramdam ko na siya. Bigla akong naluha ng maalala ang tatay niya. Matapos niya akong buntisin, iiwan na lang niya ako!? Napakairresponsable niya!

Kapag talaga magpapakita 'yon sa akin, papatayin ko!

The rest of the evening was just me reading in the bed. Kinikilig pa nga ako at kahit sandali ay nakalimutan ko ang inis ko kay Zyle. Hinihiling ko nga na sana 'yung lalaking nasa book ko ang nakabuntis sa akin! Kasi hindi siya irrespnsable! Sa huli ay nakatulugan ko na lang ito at hindi ko na namalyan kung anong oras na ako bumangon.

All I knew was that I was already on our kitchen, making milk for myself. Tulala akong nag-iistir doon hanggang sa bigla na lang umiba ang panlasa ko. Agad akong nagtungo sa sink at dumuwal. Naiiyak na ako dahil sa kakaibang nararamdaman. Ang mas nakakaiyak pa ay wala naman akong maiduwal!

"Javi!" lumuluha kong sigaw.

"And who's Javi?" Matigas na Ingles ang nagsalita sa likod ko.

Halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko agad ito at kahit alam ko na kung sino ang nagsalita ay hindi ko pa ding mapigilang magulat. He was in his white long sleeve polo and black pants. Nakatupi ang sleeve niya hanggang braso at nakakalas rin ang dalawang butones niya sa itaas. Bigla akong napanghinaan dahil sa nakita.

First Love Of May Where stories live. Discover now