PROLOGUE

73.9K 1.7K 560
                                    

"Oh my gosh! Omg talaga! As in! Mamaaaa!"

Patakbo akong bumaba sa may sala habang sumisigaw. Napatigil pa ang buong pamilya ko at ang bisita namin nang dahil sa ginawa kong pagsigaw. Nabilaukan pa yata ang bisita nila mama dahil may sumaboy na tubig sa bunganga niya.

"Anak! Ano na naman ba 'yan!?" Pagalit na tanong ni mama.

"Magcacampaign rally na daw dito sila VP Alerick!" I jumped excitedly.

"Huh!? Weh!?" Agad ding nilabas nang bisita naming babae ang phone niya. "Hala! Totoo nga!"

Napahawak ako sa my dibdib ko at napapikit. "Makikita ko na si Zyle! Ang love of my life ko!"

"Shunga! Hindi ka noon makikilala! Siguradong madaming tao! Front runner 'yang Tatay niya e!"sabat ng pinsan ko na nagcocomputer sa may tabi ko.

Kilig na kilig na ako pero may inggitero lang na nakisawsaw. Basta! Kailangan kong maghanda! 'Yung anak lang naman ng susunod na Presidente, hopefully, ang sasama sa kaniyang ama papunta rito sa Ilocos!

"Tumahimik ka nga! Inggit ka lang dahil paniguradong may chance ako!" I flip my hair.

"Anak, tama naman 'tong pinsan mo." Tinuro pa ni Papa si Javi. "Impossible na mapapansin ka niya."

Sumasakit ang ulo ko sa kanilang lahat. Bakit ba ayaw na lang nila akong suportahan!? That's the love of my life! Gagawin ko ang lahat no!

"Tsk! Hindi niyo pa ata narinig 'yong kasabiha na-"

"Nothing is impossible in this world with hard work." Sila ng lahat ang nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Alam na namin 'yan. Nakailang sabi ka na din diyan Ate!" utas ni Javi, habang tutok pa din sa screen.

"Bakit? Crush niya din ba 'yong anak ni Alerick?" Tanong nang pinakamatanda na bisita namin.

Tatlo kasi sila at kasama niya ay dalawang babae na nasa late 20's na din. Parang may gusto din sila kay Zyle! Kaya panay tingin na sa phone.

Tumango si Mama, nagsasalin na ng juice sa mga baso. "Oo. Hindi ko nga alam diyan. Patay na patay sa kaniya e, hindi pa naman gaanong kilala."

"Hay! Ganon din 'tong mga dalawa. Sinasabi ko na nga na wala silang chance doon dahil ang taas na tao." Sulsol pa nang matanda.

Iniwan ko na sila dahil nakakastress. Ang kailangan kong gawin ngayon ay bumuo ng plans! Basta mahagip lang ako ni Zyle ay okay na! Basta may picture kaming dalawa, good na 'yon!

Malapit na din kasi ang midterm break namin kaya medyo busy ako na hindi kaya nagkakaroon pa ako ng time na magbrowse. Hindi pa naman nakakalahati ang kampanya pero ang mga kandidato ay nagpupunta na sa iba't-ibang parte ng bansa upang magkampanya.

This time, this year, the election is bloody. Puno ng hatred, puno ng pera, puno ng putukan at puno ng gulo. I just hope we can have a better Philippines, because each person of the country deserves a peaceful life.

"Nagreview ka?" Bungad na tanong ng kaklase kong si Divine.

"Sakto lang. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik, pagkapasok sa room namin.

First Love Of May Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ