12

35.1K 1.1K 174
                                    

"Zyle! Kanina ka pa hinihintay! Hindi ka pa ba tapos!?"

I knocked his door endlessly. Mas nilakasan ko pa ang pagkatok dahil ang tagal na niya, hindi pa naman ito sumasagot na parang sa kaniya 'yung oras. Narinig kong sumigaw ito at binuksan ang pintuan habang inaayos ang polo niya.

"Nauna na sila daddy mo!" naiirita kong sabi at naglakad na pababa. "Ang tagal-tagal mo kasi, ano ba kasing pinaggagawa mo sa loob ng kwarto ha!?"

Ayos na ayos pa siya ngayon na animo'y may grand ball na pupuntahan. Kulang na lang ay mag-suit ito. Nag-ayos ayos pa e halos magkandarapa na nga lahat ng mga babae! A moment later, a realization pop on my mind.

He wants to flirt with them! Maybe, I just assume! Pero may isang banda naman sa utak ko na nagsasabi para talaga 'yon sa event.

"High blood ka na agad?" humabol ito sa akin at inayos pa ang buhok ko.

"Ano ba! Don't touch me!" hinawi ko agad yong kamay niya at pumasok na sa sasakyan.

It's already 5 in the afternoon, siguradong traffic na dahil sa dami ng tao na dadalo dito. Hindi na nga siya nakaattend ng motorcade dahil sa kilos babae niya. I'm just praying na sana hindi ako mapagalitan ng daddy niya.

Binaling ko na lang ang aking atensyon sa labas ng bintana at tinanaw ang mga taong busy sa kanilang sariling mga gawain. Outside the store, there were people on their phones, kids playing in a circle, a man wheeling his ice cream cart, and people heading in different directions.

Nawala lang ang aking tingin sa mga dinaraanan namin nang may kumalabit sa akin.

Mataray ko siyang nilingon. "Ano!?"

"Are you on period?" maingat niyang sabi para hindi ako sumabog.

"E ano namang pakialam mo doon kung meron ako?" diretso kong sagot.

Bumilog ang bibig niya at gulat na tinakpan ito. Yes, I am on my period kaya naiinis ako sa lahat ng bagay. Maikli lang ang pasensya ko ngayong araw at wala akong balak 'yon habaan. Dapat sila ang mag-adjust kung ayaw nila akong sumabog na parang bulkan.

"Y-you, y-you really on your period?" he asked again. "Like ngayon, you have?"

"Oo nga! Bakit ba ang kulit mo? Baka gusto mo pang makita para lang tumahimik ka na." I said, without minding what I said.

"What the fuck Selina?" napaayos ito ng upo at tinitigan ako. Agad akong nag-iwas ng tingin nang marealize ang aking sinabi. He brought his face in the side of my cheek and stared at me for long. "You want me to check it?"

"Hindi!" Tinulak ko ang mukha niya na nag-iinit ang pisngi.

He smirked. "I want to check it for myself."

I tried to calm whatever my body is feeling or showing. Selina, asan na ngayon 'yung sinasabi mong naiinis ka sa lahat ng bagay? Show it, imbes na yung namumula mong pisngi sa lalaking nakakainis. Inabot ko ang bag ko sa may side ko at hinampas 'yon sa lalaking nakangisi na. He immediately held his face, where my bag went to.

"Oh yeah, they were fucking right....." he was tilting his head as he hold his face.

"Right? Ano na naman bang pinagsasabi mo ha?" bulyaw ko sa kaniya. Nakataas pa din ang bag kong pwede kong ihambalos sa kaniya anytime.

He was covering his head now with his hands cross. Wanting to protect himself from the bag I might throw at him. "Wala. Ibaba mo na 'yan. Masakit, ang dami pang laman ng bag mo."

First Love Of May Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon