21

38.2K 1K 298
                                    

"Why are you wearing shades today?"

Hindi ako makaayos ng tayo lalo na at nakashades ang mga bodyguards ni Zyle na tila'y may tinatago sa kanilang mata. Parang kapag wala ang shades nila ay makikita namin ang pinag-usapan nila o 'yung laman ng isip nila!

"Mainit sir!" alerto na sabi ni Ron.

Tumango-tango na lang si Zyle pero halata din sa kaniya na hindi ito kontento sa sagot. He's not stupid of course. Pero imbes na pagtuonan sila ng pansin ay nakangiti itong lumapit sa akin at binigyan ako ng halik sa noo. He even got my hands and intertwined our fingers together.

"Selina! Aga niyo ah!" Si Jake. Kinawayan ko na lang din ito. Kasama niya si Jeza na nasa likuran niya at halatang badtrip.

"Medyo late na nga kami e," I laughed. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Zyle. May nagseselos na naman!

Magsasalita pa sana ito pero tinawag na siya ni Manong Rik. Kaonting minuto lang din daw papunta doon sa kabilang bayan. Halos marami din kami, kaya lang ang problema ko ay ang paglalakad pero kaya ko naman na, may kaonting sakit nga lang.


"Nagseselos ka?" I playfully looked at him.


"No." he quickly replied. "Why would I get jealous? I'm your boyfriend now and obviously you're just making friends."

My mouth formed an 'o'. I didn't expect his answer would be like that, I thought he would make sermon of me not to talk with any boys. And with that, I cling my arms on his arms. Sabay kaming naglakad, sumusunod kila Manong Rik na nasa unahan.

"Is it still sore? Or can you walk now?" he asked as we are in the middle of nowhere.

"Kanina pa sana ako nagpabuhat sayo!" I said.

"Then we can have a baby time tonight again?" he asked politely.

My eyes widened. "No! Matutulog ako mamayang gabi lalo na at kagagaling lang natin sa byahe. By the way saan ng pala tayo dederetso?"

"Alright, maybe next time," he replied like a puppy. "Well, be going back to Batangas after."


I nodded. After a while of walking, we arrived at our destination. Malawak ang bukirin nila dito at nagsisimula na silang ulit magtanim. Zyle left me under a mango tree, kasama ang isang bodyguard niya. Sakto namang maraming bata ang naglalaro dito at lumapit sa akin. They were about three girls.

"Taga saan po kayo? Bakit naman ang ganda niyo? Tapos ang ganda din po ng hair niyo at damit niyo?" Hinihingal na tanong ng pinakabata sa kanila.

"Ashley bakit ba ang dami mong tanong? Baka hindi masagot ni ate!" sabi naman ng nasa gitna.

"Ah, pasensya na po sa kanila. Ngayon lang kasi kami nakakita ng mga bagong mukha dito sa amin." sabi ng pinakamatanda.

I smiled with that. They looked so adorable kahit na may mga dumi ang kanilang damit at magugulo ang mga buhok.

"Okay lang, ang cute cute kaya nila." sabi ko at ngumiti ulit. "May mga kabahayan pa pala dito?"

"Opo, pero parang mga bente na tao na lang." Sabi ng isa.

"Ate, sino po 'yon oh!" nakuha ng tingin ko ang batang babae na ang tinuro niya ay si Zyle.

"Si, kuya Zyle 'yan. Binibisita kayo." I softly said.

"Kuya niyo po!?" napalingon ako sa natawang bodyguard sa tabi ko. "Bakit ka po tumatawa kuyang nakashades?" tanong na ng bata.

First Love Of May Where stories live. Discover now