Chapter 7

2 0 0
                                    

Naunang sumugod si Dahlia. Gumawi ito sa paanan ng higante. Habang si Lucio naman ay sumunod din sa ibinigay na instruction ni Dahlia.

Sinusubukang hiwaan ni Dahlia ang paa ng higante ngunit nabigo ito ng biglang bumaling sa kanya ang higante at inihampas nito ang palakol na gawak nito.

Mabuti na lang ay naipanangga ni Dahlia ang kalasag nya. Tumalsik lamang ito dahil sa lakas ng pagkakahampas ng higante.

Si Lucio, sa kabilang banda ay nasa balikat na nang higante. Sasaksakin nya na sana ng espada nya ang higante ngunit bigo rin sya sa balak nya dahil hinawi nito ang balikat nito dahilan para tumalsik ito.

Samantala si Danny ay tagumpay na nakapuslit sa paanan ng higante.

Ipinuwesto nito ang sarili saka nag-ipon ng lakas sa kanang kamay hanggang sa lumiwanag ito.

Tumalon sya ng napakataas saka sinuntok ang binti nito. Kitang kita ang impact ng suntok nya sa binti nito.

Dahil sa lakas ng pagkakasuntok nya ay nawalan ito ng balanse.

Dahil sa ginawang yun ni Danny ay nakahanap naman ng tyempo ang ang ama nyang si Lucio. Sumakay itong muli sa balikat ng halimaw at ginawa rin ang ginawa ni Danny.

Kahit hindi kasing lakas ang suntok nito kagaya ng kay Danny ay nagawa naman nitong mapatukod ang kamay ng higante sa lupa.

Kaya naman nagkaroon din ng pagkakataon si Dahlia na sugatan ang isa pang kamay ng higante dahilan para mabitawan nito ang napakalaking palakol na hawak nito.

At napahawak ito sa kamay nitong may sugat.

"Nice!" Napasigaw na si Danny saka sinubukang umakyat sa higante.

Tumalon ito ng napakataas ngunit tumalsik siya ng hawiin sya ng halimaw.

Tumalsik sya sa mga pader ng mga establishimento. Sunud-sunod ito hanggang sa sumalampak sya sa huling pader.

Hindi niya mawari kung ilang metro din ang itinilapon nya dahil sa pagkakagawing iyon ng higante.

"Aray ko!" Daing nya. Nilapitan naman sya ng ina nyang si Dahlia upang alalayang makatayo.

Nakita kasi siya nitong tumilapon kaya naman sinundan siya nito sa binagsakan nya.

"Ayos ka lang ba nak? Alalang tanong nito saka sya inalalayang tumayo.

"Parang nabalian yata ako ng likod! Nay" pagsagot nya sa kanyang nanay.

Sinuri naman agad ng Nanay nya ang kanyang likod dahil sa daing niya. Pero wala naman itong nakapang bali sa likod ng anak.

"Punyetang pangit na to!" Baling nya sa higante nang makatayo.

Agad naman silang nakabalik sa lugar na pinaglalabanan. Ngunit ng makabalik sila ay nakabawi na ulit ang higante sa ginawa nila kaya naman hirap na hirap nanaman silang makaisa rito.

"Inay, Itay, abalahin nyo po muna ang higante sa pakikipaglaban at mag-iisip po muna ako ng paraan kung pano matatalo ang pangit na yan" suhestiyon nya.

Agad namang sumang-ayon ang mga ito.

"Kung ano man yang maiisip mo anak. Naniniwala ako sayo" wika ng kanyang tatay.

Binigyan lamang sya ng ngitin ng kanyang nanay saka sumugod ang mga ito.

Habang nasa kalagitnaan ng pakikipaglaban ang mga magulang nya ay bigla syang nakaisip ng paraan. Medyo delikado pero kailangan.

"Itay!" Tawag nya sa kanyang tatay. Agad naman itong lumapit sa kanya. "Matalim po ba yang espada nyo?" Tanong nya sa kanyang ama.

"Oo anak." Wika ng ama nya saka inangat ng bahagya ang espada.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DARLA! Ang Baklang SuperheroWhere stories live. Discover now