Chapter 2

7 1 0
                                    

Isang linggo matapos ang nangyari sa harapan ng eskwelahan nila Danny ay tuluyan nang humupa ang balita.

Isang linggo ding hindi nakapasok si Danny at Tikya dahil sa nangyari.

Kasalukuyang nasa eskwelahan ngayon si Danny at Tikya. Matapos kasi ng isang linggo ay napagdesisyunan na nilang pumasok.

Tahimik lamang silang naglalakad habang pinagtitinginan ito ng mga makakasalubong na mga estudyante saka magbubulungan.

"Diba sya yung nasa balita? Bakit parang hindi naman totoo yung nangyari. Kasi tignan mo o ang payat-payat naman sya tsaka mukha syang lampa" nadinig nyang bulong ng isang grupo ng mga babaeng estudyante sa kaliwang bahagi ng hallway.

Napalukot naman ang mukha ni Tikya dahil sa narinig saka ito alalang tumingin kay Danny.

"Ok ka lang?" Alalang tanong nito sa kanya. Tumango lamang si Danny tsaka bumuntong hininga.

"Eww! Baklang halimaw! Freak!" Parinig naman ng isang babae sa kabilang bahagi ng hallway.

Dahil sa narinig ni Danny ay bahagyang tumaas ang kaliwang kilay nya. Tumigil ito sa harap nung babaeng nagparinig.

Tinignan nya ito mula ulo mukhang paa.

Napangiwi na lamang sya dahil sa parang latay na blush sa mukha nito. Bumulong sya kay Tikya ng "Hot dog" na naging dahilan para bumunghalit ito ng tawa! Natawa na lang din sya sa binulong nya sa kaibigan nya.

"Gaga ka baks!" Natatawang turan ni Tikya sabay hampas sa balikat ni Danny.

Napakunot naman ang noo ng babae dahil sa biglang pagtawa nilang dalawa ni Tikya. Tinignan na lamang nya ito ulit saka lumabi ng "Chaka" saka nagpatuloy muli sa paglakad.

Nagmuwestra pa sya ng hair flip sa ga-balikat nyang buhok sabay apir kay Tikya na hanggang ngayon ay tumatawa parin.

---

*Lunch Break*

Habang kumakain ang magkaibigan ng baon nilang pagkain ay may biglang lumapit sa kanilang limang lalaki. Nakilala nya agad ang mga ito dahil kilala ang mga ito bilang varsity player ng kanilang eskwelahan.

Nagtaka naman silang magkaibigan dahil sa paglapit ng mga ito. Ang alam kasi nila ay hindi ito kailanman lumapit sa kanila kahit isang beses kaya naman ganun na lang ang pagtataka ng magkaibigan sa paglapit nito.

"Hi ikaw ba yung sinasabi sa balita na baklang superhero daw?" Tanong nito kay Danny.

Agad naman napatigil sa pagkain ang magkaibigan dahil sa tanong nito.

"I just wanna know lang naman. Kasi di ako makapaniwala na magagawa mo yun eh ang payat payat mo" wika pa nito saka natawa.

Sumabay naman yung mga nakapaligid sa kanila na mga estudyante.

Agad na umangat ang kaliwang kilay ni Danny sa tinuran nito. Sa totoo lang hindi naman sya palaaway.

Sa katunayan nga nyan ay kahit anong mangyari ay umiiwas sya makipag-away kahit na minsan ay nakakarinig ng kung anu-ano mula sa mga estudyante laban sa kanya kahit noon pa.

Ang kaso nga lang nang dahil sa nangyayari ay instant sikat agad sya sa kanilang eskwelahan.

Marami kasing hindi naniniwala sa nangyari. Kaya naman ay tinatawag syang freak o minsan baklang halimaw.

Pinagkikibit balikat na lamang nya ito dahil ang katwiran nya ay masisira lang ang beauty nya kung magpapaapekto sya.

Kasi totoo namang may angking kagandahan sya kahit na panlalaki ang kasarian nya.

DARLA! Ang Baklang SuperheroWhere stories live. Discover now