Chapter 6

2 0 0
                                    

Hindi makaisip ng paraan si Danny kung pano sila makakaalis sa lugar na iyon dahil napalilibutan sila ng mga halimaw.

Kung sya lamang ang nandun ay makakaya nya naman ngunit kasama nya ang kanyang kaibigan. Kailangan nya munang mailigtas ito. Sa isip nya.

"Baks anong gagawin natin natatakot ako!" Tanong ni Tikya. Halatang-halata sa boses na natatakot ito.

"Nag-iisip din ako ng paraan kung pano kita ililigtas" sagot nya kay Tikya.

Paikot-ikot lang sila sa gitna. Inaabangan ang pagsugod ng mga halimaw.

Hinubad ni Danny ang kanyang doll shoes saka pinulot. Marahil ito ang kanyang gagamiting sandata.

"Baks bakit doll shoes?" Nagtatakang tanong ni Tikya sa kanya.

"Ewan?! Eto lang kasi ang naisip kong gawing armas eh!" sagot nya dito

Di pa nagtatagal matapos nilang magbulungan ay nagsimula nang sumugod ang mga ito.

Agad namang kumilos si Danny dahil sa ginawa ng mga ito.

Hinampas nya ng doll shoes ang mukha ng unang nakalapit sa kanila dahilan para tumalsik ito kasama ng mga nasa likod nito. Nabuwal ang isang parte sa paligid nila.

---

Paulit-ulit lamang ang ginagawa ni Danny hanggang sa masira na ang pares ng doll shoes nya.

Walang na syang oras pang manghinayang sa cute nyang doll shoes nang ibato nya ito parehas sa halimaw.

Dahil sa kakayanan nya ay mabilis ang galaw ng mga doll shoes nya. Para ring naging mabigat ang mga ito dahil tumalsik ang dalawang halimaw na natamaan nito sa mukha.

"Tikya! Wala na yung cute na doll shoes ko!" Medyo naiiyak nyang turan.

"Oh eto! Gamitin mo rin tong sandals ko. 2 inches yung takong nyan kaya di hamak na nas masasaktan yang mga pangit" sabi ni Tikya saka binigay kay Danny ang hinubad nyang sandals.

Patuloy parin sa paghampas si Danny ng sandals na bigay ni Tikya sa kanya sa mga halimaw.

Habang si Tikya ay sumisiksik sa tabi ni Danny sa tuwing malalapitan sya ng mga halimaw.

"Ano ba! Bakit ba hindi maubos-ubos ang mga pangit na ito! Sira na rin tong sandals mo bakla!" Reklamo ni Danny.

"Edi suntukin mo na lang!" Suhestiyon ni Tikya.

"Ayoko nga no! Di mo ba nakikita mga balat nyang mga yan. Nakakadiri! Baka mahawa yung skin ko!" Maarte nitong wika.

"Ang arte bakla! Nasa peligro na nga tayo tapos nakuha mo pang mag-inarte ng ganyan" naiinis na wika ni Tikya.

"Ah basta!" Pangangatwiran nito.

Naisipan nyang yung bag na lang ang gamitin nya. No choice na sya. It's now or never ang peg nya.

Masama man ang loob ay iyon na lang ang huling bagay na magagamit nyang panghampas.

Paulit-ulit lang ang ginagawa nya hanggang sa mapagod na lamang sya. Walang katapusan ang dami ng mga ito.

Napatili na lang si Tikya ng makuha sya ng mga halimaw.

"Ahhh!! Danny Tulong" sigaw ni Tikya. Napapailing pa ito habang umiiyak dahil inilalayo sya sa kanyang kaibigan.

"Tikya!!! Bitawan nyo sya!!" Sigaw ni Danny.

Pipigilan sana ni Danny ang mga ito ngunit wala na rin syang nagawa dahil maging sya ay nahawakan na rin ng mga halimaw.

Hindi sya makagalaw dahil sa sobrang dami ng nakahawak sa kanya.

"Bitawan nyo ko mga pangit ano ba?" Reklamo nya.

DARLA! Ang Baklang SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon