Chapter 1

17 2 0
                                    

*11 years after*

"Hello!! Magandang! Magandang! Magandang umaga sa iyo!!!" Pagbati ni Danny habang nakaturo sa sarili na nakikita sa salamin ng hawak nyang walang laman na compact.

"Good morning self ang ganda mo today! Mwah!" Muli nitong bati sa sarili at saka nagflying kiss.

Tumayo na ito mula sa kanyang higaang papag at niligpit ang banig at mga unan at kumot na ginamit nito.

"Anak" tawag nang kanyang nanay sa labas ng kanyang kwarto.

"Bilisan mo dyan para makakain na at makaligo. Baka ma-late ka sa eskwelahan" paalala nito sa kanya.

"Eto na po Nay tapos na" wika ni Danny at lumabas na ng kwarto ngunit wala na ang kanyang nanay sa labas nito.

Dali-dali na lamang ito pumunta ng lababo upang maghilamos at magmumog sabay diretso sa hapag kainan.

"Good Morning po Itay" bati nya sa kanyang ama na nakapwesto na sa hapag kainan nilang gawa sa kahoy na binalutan lang ng mantle.

"Good Morning Inay" bati rin nito sa kanyang nanay na naghahain nang kanilang almusal.

"Good Morning din anak" sabay na bati ng kanyang mga magulang sa kanya. Napangiti na lamang sya at nagsimula nang sumandok ng sinangag na kanin.

Nasa kalagitnaan ng pagkain sila Danny ng biglang may kumatok.

*tok tok tok*

"Danilo!" Pagtawag nang pamilyar na boses sa labas ng kanilang bahay.

Napairap na lamang ito dahil sa pagtawag nito sa tunay nyang pangalan.

"Nay, Tay, pagbubuksan ko lang po ng pintuan si Tikya" pagpapaalam nito sa kanyang mga magulang. Tumango lamang ang mga ito sa kanya.

Pagbukas pa lamang niya ng pintuan sa may hindi nila kalakihang bahay ay tumambad ang isang babae na hindi katabaan at nasa 4'11 ang tangkad sa kanyang harapan.

Bilogan ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Namumula ang pisngi nitong namimintog dahil sa liptint na dumadaan hanggang sa may katangusan nitong ilong. Nakatirintas ang may kakulotang buhok nito. Nakangiti ang labi nitong may bahid din ng mumurahing liptint. In short cute si Tikya.

"Bakla sabi ko naman sayo wag na wag mo kong tatawaging Danilo! Ang chaka! Sa ganda kong to Danilo itatawag mo sakin?!" Asik nito sa kaibigang si Tikya nang mapagbuksan ito ng pinto.

"Tsaka yang pisngi mo masyadong makapal ang pamumula bakla! Clown ka ba? Bawasan mo nga! Hindi nakakaganda!" Pamumuna ni Danny.

Agad naman na kinuha ni Tikya ang maliit niyang salamin sa kanyang bag at tiningnan ang sarili.

"Gaga bakla! Hindi naman! Eme ka talaga bakla!" Pagdepensa ni Tikya sa sarili.

"Naniwala ka naman?! Lokaret ka din eh." Wika ni Danny saka siya napahalakhak.

Napahalakhak na may kasamang paghampas pa kay Danny si Tikya dahil sa pagbibiro nito sa kanya.

"O siya! Pumasok ka na MARITES" pagdidiin nito sa pangalan ng kanyang kaibigan.

Hindi rin maipinta ang mukha ng kanyang kaibigan ng banggitin nya ang pangalan nito. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag syang Marites dahil inaakala ng mga tao na isa syang chismosa.

Dumiretso ito sa loob ng kanilang bahay at sumunod na lamang sya matapos maisarado ang pintuan.

"Good morning po Nanay Dahlia at Tatay Lucio" pagbati ng kanyang kaibigan sa kanyang mga magulang.

"O Tikya, kumain ka na ba? Kung hindi pa ay sumabay ka na habang inaantay si Danilo" wika ng kanyang nanay kay Tikya.

"Sige po tamang tama di pa ako nag-aagahan." pagpayag nito sa alok ng kanyang Nanay.

DARLA! Ang Baklang SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon