-18-

11 3 0
                                    

                               

                                 RYLE





"Hindi pa rin ba siya lumalabas ng unit niya?"

Timothy asked as we meet in the lobby. I shook my head and take a seat. Gano'n rin ang ginawa niya. Tumango siya saka napapikit.

"Si Zach?" He asked again.

"Nasa taas pa rin, naghihintay." We both sighed.

Hindi nagpunta si Draco sa burol at libing ni Aina. He refused to come. We can't blame him after all.

Ilang araw na siyang hindi lumalabas ng unit niya, kumakain, at pumapasok. Wala siyang gustong makita o makausap sa'min. Kahit na mga magulang niya ayaw niyang kausapin.

We're all worried about him. Si Tito Nathan, medyo okay naman na. Nagagawa niya namang ngumiti kahit papaano at makipag-usap.

Lahat kami apektado sa nangyari. Lahat kami nawalan. We're all devastated, pero si Draco, siya ang pinakanaapektuhan. That day, was the worst for all of us. Lahat kami nabigla, dahil, hindi namin 'yon inaasahan.

He's grieving, mourning and crying every night. Alam ko.

Napatayo ako nang makita kong lumabas si Zach sa elevator, nilapitan agad namin siya ni Timothy at tinanong.

"Kinausap ka ba niya?" Umiling lang siya. Napabuntong hininga naman ako at bumalik sa kinauupuan namin kanina.

Hindi pa siya handa. Hindi pa siya handang harapin ang katotohanan. He didn't want to accept the fact that Aina is dead. I know, alam naming lahat na mahirap iyong tanggapin, but he should accept that fact. For the best.

Being stuck with this kind of nightmare is going to kill you. Alam ko ang nararamdaman niya, dahil minsan na rin akong nawalan ng mahal sa buhay. It's really difficult. Very difficult.

My grandma died because of Heart Attack. She didn't make it to the hospital. Malapit kami sa isa't isa ng lola ko, kaya ganoon na lamang kasakit para sa akin ang pagkawala niya, napakasakit. Napakasakit mawalan ng mahal sa buhay.

It sucks.

"Hayaan nalang muna siguro natin siya bro."

"Tama si Zach, Ryle." I see their point. I nodded, agreeing.

"Tama nga kayo, bigyan natin siya ng oras, siguradong lalabas din siya kapag handa na siya." Binigyan ko sila ng tipid na ngiti.

Nag-usap pa kami ng ilang oras bago kami maghiwa-hiwalay.

"Sige, ingat kayo." Tinapik ko ang balikat nila saka na sumakay sa kotse ko. Paaandarin ko na sana ito ng tumunog ang phone na nasa bulsa ko. Kinuha ko 'yon.

Text Message: Sheena

Ryle, please meet me at the park. I'll wait for you. Thanks.

I didn't know why I came at the park. Siguro dahil curious ako kung bakit niya ako pinapapunta, o kung ano ang sasabihin niya.

Inilibot ko ang mga mata ko para hanapin siya. She raise her hand and waved it, so I'll see her.

"T- Thank you for coming..."

"Sure." Tipid kong sagot. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tinanong na siya.

"Bakit mo ako pinapunta rito?" I casually asked. I think I know why she wanted to see me, but I still asked her, for assurance.

"T- Totoo b- ba na wala na si L- Lahaina?" Tanong niya. I lower my head and slid my hands in the pocket of my jacket.

I'm not mad at her. Hindi ako galit sa kanya sa ginawa niya kay Draco, ang ikinakagalit ko lang ay ang maling ginawa niya.

Last Day Of SeptemberWhere stories live. Discover now