-16-

20 3 0
                                    

                            
                           
                               DRACO



Pagkatapos ko siyang pakainin, sinabi niya sa akin na gusto niyang manood kaya kinuha ko ang laptop at pumili agad ng panonoorin. Dinala ko na sa sink ang mga pinagkainan niya at hinugasan.

Tatlong araw na akong nag-aabsent para mabantayan si Aina, alam kong pagod na pagod si Tito Nathan at walang tulog kaya ako ang pumapalit sa kanya. Sina Ryle, Timothy at Zach naman, lagi ring narito kapag tapos ng klase nila. Minsan bumibisita rin ang Basketball team kasama si Coach Ramirez pagkagaling nila sa University o kapag may libre silang oras.

Hindi na niya ako iniiwasan, bumalik na sa dati ang pakikitungo niya sa akin, pero hindi pa hundred percent. Hindi pa namin napag-uusapan 'yung sinabi ko sa kanya, at ang pag-amin ko.

We didn't talk about it since we got here. Ayaw ko na rin namang iwasan niya ako at buksan ang topic na 'yon.

Umupo ako sa tabi ng kama niya at nakinood. Mga ilang minuto lang, dumako ang tingin namin sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa si Nurse Kate.

"Good morning." Nakangiting bati niya sa'min, siya na ang nurse na nag-alaga kay Aina simula ng bata siya.

"Good morning po." Ngumiti rin ako saka na tumayo.

"Tara na?" Aina and I just gave her a nod. Kinuha ko na ang wheelchair niya saka siya binuhat para iupo doon. Pinatay ko na ang laptop saka na siya itinulak kasama si Nurse Kate.

Nabigla at sobrang natakot kaming lahat sa nangyari sa kanya noong nakaraang araw, sa takot namin halos hindi na kami gumalaw at makapagsalita.

She can't stand nor walk, that's why she needs a wheelchair. The Doctor said that there's a possibility that she'll be able to stand and make a walk again if she will practice her legs, thighs and feet, kaya kada umaga, pagkatapos niyang kumain at makapagpahinga pumupunta siya sa isang kwarto para i-practice ang mga paa niya.

Hinayaan kong si Nurse Kate na ang magtulak sa kanya papasok sa loob, ngumiti lang ako saka kumaway bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Tumingin ako sa wristwatch ko. 8:30 am na, naalala ko bigla na hindi pa pala ako kumakain. Thirty minutes din ang inilalaan ni Aina sa pagpapractice.

Napagdesisyunan ko na bumalik muna sa kwarto para kumain. After I ate, nagpahinga ako saglit saka nilinis at inayos ang kwarto.

Nang matapos ako, binalikan ko na si Aina, saktong kadating ko lumabas na sila kasama si Doctor Patrick.

He gave me a smile and nod.

"Good morning Doc." I also smiled.

"Good morning Draco." He greeted too. Kinuha ko na kay Nurse Kate si Aina at nagpasalamat "Pakisabi kay Nathan na ngayon na namin pag-uusapan ang tungkol sa surgery."

Surgery.

"O- Opo." Tumango lang siya at tipid na ngumiti. The word 'Surgery' sent chills down to my spine, nakaramdam ako bigla ng kaba.

"Where did you go?" Nabalik ako sa huwisyo dahil sa tanong ni Aina, I smiled bitterly.

"Bumalik ako sa kwarto para kumain." Sabi ko saka yumuko para tingnan siya, diretso lang ang tingin niya "Kumusta? K- Kaya mo na bang tumayo?"

Ilang segundo rin ang lumipas bago siya magsalita. She shook her head disapprovingly.

"No." I forced a smile and slowly nodded.

The moment we saw her in her room suddenly flash in my head. That was the first time I've seen her cried. Alam kong hindi kapani-paniwala, pero 'yon ang unang pagkakataon na nakita ko, namin siyang umiyak.

Last Day Of SeptemberWhere stories live. Discover now