-14-

14 4 0
                                    

                             
  
                               DRACO





Wala akong naintindihan buong klase namin. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. I'm always like this every lecture and discussion.

Uwian na naman, napakabilis ng oras, kani-kanina lang nagmamaneho palang ako papunta dito sa university.

I headed my way in Architectural building, of course, para puntahan si Sheena but when I got there, she's already gone. Like I expected. I didn't asked anymore, hindi naman sa ayaw kong magsayang ng oras para sa kanya, alam ko na kasi na wala siya.

Pumunta na ako sa parking lot. I want to go home.

My heart automatically pound when my eyes met Aina's. It also makes me stopped walking. Nakakabingi ang tibok ng puso ko sa mga oras na 'to. Damn.

"You wanna go in the café?"

"H- Huh?"

"Freesia Café." She reiterate "You wanna go in there?"

Sa café? Ngayon? But why?

"W- Why? What's your problem?" Ano naman kayang problem niya? Magyayaya lang naman siya doon kapag may pinoproblema siya. I'm curious.

"I'll tell you once we got there." Tumalikod na siya at sumakay sa kotse ko. Napakibit-balikat nalang ako saka na rin sumakay.

We seated on our favorite spot in the café, and that's upstairs. Pagkaupong pagkaupo namin binuksan ko agad ang bibig ko.

"So, tell me... What's your problem?" Kating kati na ang bibig kong magtanong "Is it about your studies? About your home screen? Lock screen? Or it--"

"My problem is Timothy." She cut me off. Napaawang ang bibig ko ng marinig ang sinabi niya.

Si Timothy? I got more curious.

"Si Timothy? Why? Paano mo siya naging problema? Nag-away ba kayo? May gin--"

"He preceded me, again, in getting the limited edition Naruto statue." She cut me off again. What?

"Pffft." Napahalakhak ako bigla saka ko nasapo ang noo ko. Akala ko naman kung ano na, goodness.

"Problema nga 'yan." Tumango ako, nagpipigil ng tawa. Baka patayin na naman niya ako sa tingin eh. Pipigilan ko nalang tumawa.

"It's easy for you to laugh because you already have one." Napalunok ako. Oo nga, kung ako ang nasa posisyon niya gano'n din ang mararamdaman ko.

Naging seryoso na ang mukha ko, umorder na ako. Lagi naming inoorder rito ang best seller nilang Caramel Machiatto at 'yung american pie.

"Ayos lang 'yan." Sinabi ko 'yon para pagaanin ang loob niya. I'm sure that they will make more statues, Naruto statue. Maswerte rin naman kasi si Timothy The Great lagi nalang nauuna.

She didn't respond. Mas lalo ata siyang namroblema dahil sa'kin. I kept quiet and just wait our orders. Nangalumbaba ako, by doing that, napunta na naman ang mga mata ko sa kanya.

My eyes were fixated on her, while her eyes are looking outside. Napahawak ako sa dibdib ko ng mabilis na tumibok ang puso ko. Laging ganito ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya, maging sa pagtulog ko naiisip ko siya. Sa tingin ko hindi na 'to isang malfunction. Ayaw ko ring mag-isip ng kung ano-ano.

Kaagad kong tinatanggal sa isip ko ang mga 'yon. Nakakapagod ring mag-isip.

"Enjoy." Ngumiti lang ako.

"Ittadakimasu." Tahimik lang kaming dalawa. Inom at subo ko nasa kanya ang mga mata ko. Kapag titingin siya sa'kin, mabilis akong titingin sa ibang direksyon. Nahihibang na ang mga mata ko.

Last Day Of SeptemberWhere stories live. Discover now