ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5

Magsimula sa umpisa
                                    

Subalit kahit nag iisa lamang ang Reyna ay magaling parin niyang iniilagan ang bawat ataki ng dalawa habang dala-dala nito sa kanyang bisig ang batang umiiyak.

"Kahit gaano ka pa ka galing Zamaragh ay hindi kana makakalabas pa ng buhay sa iyong silid."

Pagkatapos sabihin ng babae ang mga katagang iyon ay bigla nalang napaluhod ang Ina ni Miragh at habol nito ang kanyang hininga.

"H-hindi ko akalain na ganyan pala kayo ka takot sa akin at ka duwag na harapin ako dahil nagawa niyo pang dalhin ang bagay na iyan."

Kita ko na nahihirapan ng huminga at gumalaw ang Reyna at ngayon ko lang din namalayan na mas lalong lumalakas ang usok na lumalabas nong itim na bolang dala-dala nong lalaki kanina.

Inangat naman ng babae ang dala niyang punyal pagkatapos ay dinilaan matalim na gilid nito habang naka malademonyong nakangisi sa Reyna na mabagsik paring nakatingin sa kanila ng diritso.

"Hahaha kahit mag yabang ka pa ay mapa sa kamay ko parin ang kamatayan mong kay tagal kong pinangarap."

Mabilis agad itong naka lapit sa pwesto ng mag ina at walang pag dadalawang isip na sinaksak niya ang Reyna malapit sa puso.

Buti nalang at nasa may hita na ng Reyna ang batang Miragh at hindi ito nadamay sa pag saksak sa kanya.

Mas lalo pa lumakas ang iyak ng batang si Miragh ng hugutin nong babae ang punyal at muli na naman niyang sinaksak ng dalawa pang besis ang dibdib ng Reyna.

Ngayon ko lang namalayan na lumuluha na pala ako habang nakatingin sa kanilang kalagayan na walang kalaban laban dahil kitang kita ko na pag gagalaw si Reyna Zamaragh ay mas lalo lamang umuusok ng malakas ang bolang itim na mas lalong nakapanghina sa kanya.

Gusto ko gumalaw at lumapit sa kanila, gusto ko sila tulungan pero wala akong magawa kahit ang mga pag sigaw ko ay wala ring silbi dahil walang ano mang boses o tunog na lumalabas mula sa aking bigbig.

Punong-puno narin ng galit ang puso ko hindi lang dahil sa na-aawa ako sa mag ina kundi dahil sa wala din akong nagawa na siyang nakakabwesit talaga.

"Nandito na ang hari umalis na tayo bago pa niya tayo maabutan. Alam kong hindi na kakayanin ni Xhandra ang ginawa mo dahil unti-unti nang nawawala ang Enerhiya niya sa katawan."

Napatingin naman ako sa lalaking naglakad palapit sa pwesto ng babae kung saan nasa harapan parin ito ng Reyna at hawak-hawak nito ang punyal sa kanyang kamay.

"Ang pangit naman, wala man lang akong nakitang dugong lumabas mula sa kanyang katawan."

Inis na sambit nito at binigyan pa ng isang malakas na sampal ang Reyna sa mukha pero kahit hirap na hirap na sa paghinga ang Reyna ay matapang parin itong naka tingin sa kanilang dalawa.

"Pero baka merun sa munting Prinsesa. Hehehe."

Para itong baliw na humahagikhik habang pinalandas nito ang matulis na dulong bahagi ng punyal sa pisngi ng batang umiiyak parin hanggang ngayon.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon