Chapter Five

9 0 0
                                    

"SORRY na," parang batang saad ni Avia habang nakanguso at nakatingin sa kanya na parang maiiyak na. Nakaluhod ito sa harap niya, nagpapaawa na patawarin niya ito.

"Anong magagawa niyang sorry mo?" mataray niyang saad.

Kulang na lang ay maglupasay ang kaibigan niya sa sahig upang patawarin niya lang. Minsan talaga ang sarap hambalusin ni Avia sa ulo nang matauhan. Kung anu-ano kasi ang pinaggagawa at ngayon siya ay nadamay pa. Minsan naiisip niya na matalino naman si Avia pero bakit minsan sablay ito mag-isip?

"Eh, kasi naman malamay ko bang pag-open ko sa social media accounts ko puro pambabash kasi kesyo hindi ka raw sumipot at hindi ka raw nagpakita sa date niyo! Malay ko bang sa pagbukas ko puro ganyan ang bubungad sa 'kin. Even Xandy messaged me, pero hindi ko binuksan. Hindi ko alam ano ang irereply ko. I turned off my active status para makapag-stalk. Xandy never posted that you ditched him but his followers knew because he never posted anything since then. Yung followers niya lang ang conclude ng conclude."

"Yan na nga sinasabi ko sa 'yo, Avia!" gigil niyang saad at hindi mapigilang mapaikot ang mata sa inis. "Oh, anong gagawin natin ngayon? My pictures are all over the internet! Kahit ikawbinabash naa, kapag 'to nakarating kay Daddy lagot ako. Pati ikaw. Mga kalokohan mo talaga!"

Pasalamat na lang talaga siya at wala siyang social media accounts pati ang tatay niya. Ang problema baka isa sa trabahador nila ang magpalaganap ng chismes at mapapagalitan na naman siya. Napapikit siya nang mariin at hinilot ang sentido niya upang kalmahin ang sarili. Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip.

"Kaya nga 'di ba sorry na. Either we ignore this problem or makikipag-date ka. 'Yan lang naman ang sagot sa problema natin," pagbibiro pa ni Avia.

"You want me to ruin all your signature bags?" nanghahamon niyang tanong.

Mabilis pa sa alas kwarto ang pag-iling ng dalaga, "Of course no! But what can we do? Even if we ignore this problem, kalat na mukha nating dalawa. Tinawag pa 'kong manloloko ng mga fans at tinawag kang fake. Na baka raw photoshop lang ang mga pictures mo at mukha ka raw talaga bisugo sa personal. Alam naman nating walang kwenta ang mga sinasabi nila. Duh, sa ganda nating 'to? Magiging mag-bestfriends ba tayo kung pareho tayong panget?"

Her forehead creased. Siya mukhang bisugo? Eh, ang ganda-ganda ng lahi niya. Ang mga magulang niya ay may mga lahing banyaga, mukha nga siya banyaga kaysa Filipino. She even won pageants on her high school and college days!

"Quit playing with me, Avia. Hindi mo ako madadala d'yan," kalmado niyang usal.

Umiling-iling si Avia habang hawak ang cellphone, "Tignan mo 'to."

Inabot sa kanya ni Avia ang cellphone nito at tinangggap naman niya. Napataas ang kilay niya sa nabasa.

"Mga pa-fame. Pangit siguro kaya hindi maipakita ang mukha sa totoo. Gold digger!" ani ng isang nagkomento, it was from a woman name Mar-anne Alfonso.

Sa yaman nila? Tatawagin pa siyang gold digger?

"'Yan ang mg galawan ng manggagantso! Tipong may masend pero kapag personal na tiklop. Baka nga tirador 'yan ng mga foreigner sa online sites. Panget!" isang komento mula kay Mark Lim.

Napangiwi siya, kung makalait sa kanya akala naman nila ang gaganda ng mga itsura nila para laitin siya! Never in her entire life na tinawag siyang panget. Puro pagpupuri ang naririnig niya dahil sa kanyang pisikal na anyo.

Aba't sumusobra na ang mga salitang nababasa niya. Nakaramdam siya ng inis sa mga komento. Who are they to call her gold digger and tirador ng mga foreigner! Sa mukha niyang 'to? She is her father's one and only princess at nag-iisang taga-pagmana ng lahat ari-arian ng angkan ng Ferrer at Ulrich. Her father own chains of business at ang pinaka maipagmamalaki nilang hacienda.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing Heirs: Xandro Callixto  (Soon-to-be-published in PAPERINKPUBHOUSE)Where stories live. Discover now