Chapter Two

5 0 0
                                    

ISANG malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. Halos humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Nanginginig niyang tinignan ang Daddy niya na galit na galit, namumula ang buong mukha nito. Ito ang unang beses na nagpagbuhatan siya ng kamay ng tatay niya. Never in her entire life that her Dad hit her, agad natumulo ang luha niya. Ngayon niya lang nakitang galit na galit ito.

"I had enough with your irresponsibility!"

"Daddy," ani niya sa mahinang boses habang hawak ang kanya kaliwang pisnge. Ramdam niya pa rin ang sakit na dulot ng sampal nito.

"Huwag mo akong ma-Daddy-Daddy! I left you the responsibility to take care of our business and the household. But you went out partying all night and your phone can't even be reach."

"I-I was out for a while Daddy-"

"Inuuna mo yang walang kwentang bagay! Dahil sa kapabayaan mo, one of our care takers had an accident! Alam mo namang iba ang timpla ni Nabi, you should be here in the house straight out of work. Kailan ka ba magtitino?!"

"But Daddy!"

"Pumasok ka sa loob ng kwarto. Binigbiyan mo 'ko ng sakit sa ulo," matabang na saad ng tatay niya.

"Dad, I was just out for one night-"

"Simula ngayon you are not aloud to go out without guards. And lastly, dahil sa katigasan ng ulo. You will marry someone next month, whether you like it or not."

"Dad please, you are getting too far!" hindi niya mapigilang maiyak.

"Mali nga 'ata ang pagpapalaki ko sa 'yo. Masyado kitang sinanay na palaging may sasalo sa 'yo. Masyado kitang sinanay na lahat ng gusto mo nakukuha mo. Masyado kang nasanay dumepende kaya ultimo maliit na bagay hindi ka naaasahan."

Hearing those words, it broke her heart big time. She could feel her heart tearing pieces by pieces. Hindi niya kayang makitang naging ganito ang tatay niya.

"I know I am a brat most of the time but please do not send me away! Anak mo 'ko Dad, hindi laruan na pwedeng ipamigay!"

"Now you get it! Ang responsibilidad mo rin ay maging matino. Paano na lag kapag wala na 'ko, maraming tao ang umaasa sa pamilya natin. And yet you can't even follow a simple instruction. Hindi habang-buhay nasa tabi mo 'ko-"

"But Daddy! Hindi mo pwedeng ipilit akong magpakasal. I am twenty-five years old  for Pete's sake.  Ibang usapan na ang kasal-"

"Try me, Anya. Anak kita pero kailangan mong matuto. I am sure if your Mommy is alive, she will be disappointed in you. Hindi pagiging irresponsable ang gusto niyang matutunan mo. From now on, you will have you guards again. Lahat ng lakad mo dapat alam ko kundi mas papadaliin ko ang kasal mo. Now go to your room, go fix yourself."

Bago pa siya makahuma ay tumalikod na ang ama niya. Ang mga luha niya ay natuyo na, Hindi niya alam ang gagawin, iginiya niya ang paningin. She saw their helpers looking at her, hindi siya ngumiti mabilis niyang iniwas ang tingin at nagtungo sa hagdan upang umakyat sa silid niya. Para siyang zombie, wala sa sarili siyang naglalakad. Ang tanging nasa isipan niya lang ay ang sampal at ang kasal na tinutukoy ng ama niya. Ramdamniya pa rin ang sakit na dulot ng sampal ng kanyang ama. 

Nang makarating siya sa silid niya ay agad na nagbagsakan ang kanyang mga luha. Hindi niya alam, litong-lito na siya sa lahat. Things happened so fast, ni halos wala nga siyang maintindihan sa pagkakamali niyang nagawa. Parang sirang plaka, paulit-ulit na tumatatak sa isipan niya ang salitang kasal. 

She values marriage kahit hindi halata. She had few relationships, pero agad na nauuwi sa hiwalayan. Naniniwala siya sa salitang kasal at pag-ibig. Wala man sa pagmumukha niya, but she dreamed of being married to someone she loves and values. Gusto niyang maranasan ng anak niya ang kompleto at masayang pamilyang hindi niya na naranasan.


Missing Heirs: Xandro Callixto  (Soon-to-be-published in PAPERINKPUBHOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon