ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4

Magsimula sa umpisa
                                    

Kita ko rin ang pagkaputla sa mukha ng aming Maestro na mas lalong ikinabahala ko pero pagkalipas ng ilang minutong sobrang tahimik na paligid ay binasag ng isang tunog.

Umakyat ako sa Entablado upang makita kung saan galing ang tunog nayon pero ganun nalang ang pagkawala ng emosyon ko ng makita ko ang babaeng naka upo at naka pikit parin ang mga mata habang naghihilik na natutulog.

Pambihira may nangyari na nga sa paligid pero itong Prinsesang malditang ito ay nagawa pang matulog ng mahimbing?

Wala naba talaga siyang pakialam sa kanyang paligid na kahit may nangyaring kababalaghan ay nagawa pa niyang humilik?

Lumapit ako sa kanyang pwesto at mahina kong sinipa ang tuhod nito pero ganun nalang ang pag dilim ng aking mukha dahil sa halip na magising ay nagawa pa talaga nito mag salita habang nakapikit parin.

"Niavh, pahingi pa nang isa gutom pa ako, huwag ka ngang madamot uupakan talaga kita."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o sisipian nalang ng malakas ang babaeng naka upo para tuluyan na itong magising.

"Prinsesa Zemiragh, gising na. Kahit pala sa paniginip ay pagkain parin pala ang hanap mo.. hehehe."

Narinig ko ang ilang hagikhikan ng ibang mag-aaral na malapit sa aming nang marahang niyuyugyog ni Binibining Jelliene ang balikat ni Prinsesa Zemiragh upang itoy gisingin.

"Nakakatuwa talaga siya kahit kailan."

Napatingin naman ako sa aking gilid ng may marinig akong nag sasalita at kita ko sa mukha at mga mata ni Prinsipe Ermell ang tuwa at pagkamangha habang naka tingin sa babaeng magaspang ang pag uugali.

"Hindi nakakatuwa ang babaeng magaspang ang pag uugali."

Iniwan ko sila at bumaba sa Entablado upang umupo sa mga upuan sa silid dahil parang doon pa yata sa babaeng yon ako nakaramdam ng pagkapagod.

Hindi ba ito nahihiya sa kanyang pinagagawa?

Isa siyang babae at Prinsesa pero tila wala itong pakialam sa iba kung ano man ang sasabihin laban sa kanya.

Paano nalang kung siya talaga ang maging Emperatrís sa buong Kaharian?

Ganyan ba ang ipapakita niya sa mga nasasakupan niya lalo na sa mga kapwa niya babae? Ang maging magaspang ang pag uugali?

Nakakahiya siya.

Hindi siya isang magandang modelo at ihemplo para sa mga babae.

Iniiling ko ang ulo ko upang maalis ang aking mga iniisip dahil kahit kailan ay malabong siya ang maging Emperatrís sa buong Kaharian ng Llum dahil ayaw ko sa katulad niya na maging Emperatrís ko.

Muli kung tinignan ang Entablado at kita ko mula dito na gising na ang Prinsesang magaspang ang pag uugali habang nakapaskil sa pag mumukha nito ang inis kay Jelliene na siyang gumising sa kanya.

Siya pa talaga ang may ganang magalit?

Pambihira talaga ang kapakalan ng mukha at pag uugali nito.

.

.

.

.

.

[=Miragh=]:

"Wahh!!! grabe ang ganda mo naman."

Gulat na gulat ako kanina ng makita ko ang kanyang buong hitsura pagkatapos mawala yung liwanag na nakakabulag.

Agad akong umikot sa kanya nang makita ko ang kakaibang hitsura niya.

Para siyang alien na may arthritis.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon