CHAPTER 26

539 38 6
                                    

DAVID'S POV

Christmas already passed and good thing that nothing bad happened. We just celebrated with our friends and iba naman ay umuwi sa kanila. Tomorrow will be New Year. Hindi na kami nagkita-kita nila Jay-jay after nung araw na pumunta kami sakanila.

What happened between me and Claire that night, we never talked about it, dahil maaga kaming umalis sakanila kinabukasan, and now we are back dito sa Headquarters.

"Pucha kahit anong gawin ko walang lalabas tungkol sa Goddess na yan," rinig kong sabi ni Edrix galing sa control room at sumalampak sa kama. Simula nung dumating kami dito wala syang ibang ginawa kundi ang kumalap ng mga impormasyon tungkol sakanila at hanggang ngayon wala pa syang nakuha kahit isa.

"How about sa Thrashers nasubukan mona ba? For sure may alam sila tungkol sa Goddess," suggest ni Ci-n.

"Ginawa kona yan pero location ng headquarters lang ang lumabas," tila problemadong sabi nya.

"How about sa abduction na nagaganap?" tanong ni Yuri.

"There is nothing, wala tayong lead eh," sagot naman ni Edrix.

"I'm sure may kinalaman ang Geronimo dito, yun lang ang pweding mag link kina Yanna," saad ko.

"What if may kinalaman din ang Geronimo sa pag rape kay Jay-jay. Remember yan ang una nating dahilan kung bakit tayo pumasok dito. It make sense kung bakit wala tayong makuhang lead dahil hindi naman basta-basta ang kalaban natin," pagbibigay idea ni Yuri.

"Pwede rin," pagsang-ayon ni Keifer.

"Guys! Look at this!" nagmamadaling lumapit si Edrix sa amin habang dala-dala ang kanyang laptop. Nagsilapitan naman ang ibang mga ulupong.

"Ano yan?" -Eren

"Hoy teka patingin ako,"- Drew

"Aray wag ka ngang manunulak Mayo," -Calix.

"Yung ulo mo Blaster ibaba mo bago ko pa yan maputol nakaharang eh," - Rory.

"Manahimik nga kayo," sita sakanila ni Ci-n at agad naman silang tumahimik.

"Here it looks like an invitation," sabi ni Edrix at hinarap sa amin ang laptop kung saan naka display ang sinabi nyang invitation.

Black colored background that have a gold design, meron ding logo sa bottom right corner.

'YOU ARE INVITED TO A EXCLUSIVE GANG FIGHT AGAINST GODDESS IN THE STADIUM AT EXACTLY 7 PM TONIGHT! SEE YOU THERE BLACK SPIDER'
                                                -GODDESS-

"Goddess? Nakauwi naba sila?" Yan ang unang tanong na lumabas sa bibig ko. After umalis ang Goddes ay wala na kaming balita tungkol sakanila as if they just disappear without a trace.

"Wala namang balita na bumalik sila," sagot ni Ci-n.

"At bakit tayo ang hinahamon nila?" tanong ni Felix.

"Maybe because we are new and to see if we are capable for this rank," sagot ni Keifer.

"So anong balak mo Keifer? Pumunta ba tayo?" Yuri asked.

"I don't know," Keifer just shrugged his shoulder at nagisip.

"Bagong taon na mamaya tapos manghahamon sila, ganito ba sila sumalubong ng bagong taon?" napailing-iling si Drew sa sinabi nya.

May naisip naman ako para magkaroon kami ng advantage kung sakaling pupunta kami.

"We can bet or make a deal with them," napalingon silang lahat sa sinabi ko.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now