CHAPTER 1

2K 86 13
                                    

David's POV

It's been a month since Jay-jay left us, It's been a month and all us we're left with conscience. Isang buwan na ang nakalipas at pansin ng lahat ang pag babago ng mga ulupong.

Lahat kami ay nag-sisi, kung binigyan lang namin sya ng pagkakataong magpaliwanag, kung nakikinig sana kami sa kanya, mangyayari kaya lahat ng yun?

"Hanggang ngayon nag-sisi parin ako sa nangyari," sambit ni Drew habang nakatanaw sa puntod ni Jay-jay.

"Hindi lang naman ikaw, pati rin kami," sagot naman ni Calix.

"Miss ko na sya," saad ni Ci-n kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Simula nung nangyari kay Jay-jay, malimit na syang mag salita hindi na sya katulad ng dati na isang batang kumag.

"Parang hindi mo sya sinampal Ci-n," pang-iinis ni Drew.

Hindi sumagot si Ci-n pero bigla nalang syang tumayo at sinuntok si Drew. Dahil sa pagka bigla at lakas ng suntok ay napa upo sya. Inawat naman agad sila ng ibang mga ulupong. Babanatan pa sana ni Drew si Ci-n para makaganti ng magsalita si Yuri.

"Could you please stop!" sigaw ni Yuri.

Nagsi-ayos naman sila pagkatapos nun. Ang iba naman ay nauna ng umuwi, hanggang sa kami nalang tatlo ni Yuri at Ci-n ang naiwan.

"Masaya na kaya sya?" tanong ko.

"Hindi natin alam pero sana naman, Oo," sagot ni Yuri.

"I can't believe it. Masaya pa tayo nun diba, pero eto. Walang nakaka alam na yun na pala ang huli," saad ni Ci-n, kita ko ang luhang nagbabadya sa mga mata nya.

"Nasa huli ang pag-sisi,"

Napalingon kami sa nagsasalita. Isang babaeng naka lugay ang buhok, may bangs sya na natabunan ang mukha nya kaya hindi ko maklaro ang hitsura nya lalo na't may sout syang mask. Nakasuot sya ng itim na hoodie jacket at ang kamay nya ay nasa bulsa neto, alam kong naka deretso lang ang tingin nya sa puntod ni Jay-jay.

"Who are you?" tanong ni Yuri ng nakabawi na sya sa pagka bigla.

"I'm nobody," sagot naman ng babae.

"Bakit ka nandito?, Kilala mo ba ang ate Jay ko," walang emosyong tanong ni Ci-n.

"More than that," maikling sagot nya. Lumuhod sya sa harap ng puntod at may kinuha sa bulsa nya. Isang nakabasong kandila, nilagay nya ito sa tabi ng pangalan ni Jay-jay at sinindihan. Isang katahimikan ang bumalot sa amin bago sya tumayo. Marahan akong nakamasid sa kanya na para bang magagawin syang masama napansin ko namang ganun din sila Yuri at Ci-n.

"Kung ganun, bakit hindi ka pumunta sa mismong burol nya?" tanong ko, there na kasalita na rin.

Tumingin muna sya sa akin, kaya nagtagpo ang mga mata namin. Nabigla naman ako dahil may kahawig ang porma ng kanyang mata. Impossible naman siguro ang iniisip ko.

Umatras sya ng isang hakbang bago magsalita.

"Im not a fool," pagkatapos ay tumakilod na sya at umalis.

Nagkatinginan naman kaming tatlong naiwan dahil sa sinabi ng babae.
I'm not a fool.
Anong ibig sabihin nun?

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may nag ring na cellphone. Nakita ko naman na kinuha ni Yuri ang cellphone nya at sinagot ang tawag.

"Hello?...Yes...Where?...Now?...Okay, We're on the way," yan lang ang narinig ko, hindi ko alam kung sino ang tumawag.

"It's Keifer, he wants us to go with him," sabi nya at tumayo, sumunod naman si Ci-n sa kanya.

I am HER [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora