CHAPTER 4

1.4K 93 14
                                    


Yanna's POV

It's been a week since I got here. I can't forget their reactions on my first day, yung parang nakakita sila ng multo, well what should I expect kung ako din naman ang nasa posisyon nila I would really freak out. Makita mo ba naman yung taong patay na at andun ka talaga mismo sa araw nung namatay, hindi ba nakakatakot at nakalagulat yun.

"Yanna, kain na tayo. Tara sa canteen," rinig kong saad ni Mica. She's been my acquaintance here, sya naman ang unang pumansin sa akin, wala akong kaso don kasi alam ko na na mag kaibigan sila ni Jay-jay noon pa.

"Yeah sure, let's go," tumayo na ako at naglakad. Sumabay naman sya sa akin.

"Ang sama n'yo hindi nyo ko hihintayin?" rinig ko ang naiinis na boses ni Grace. Agad naman naming nakita sya sa tabi namin, sumasabay sa lakad.

"Akala ko ba magkasama kayo ni Denzel?" tanong ko.

"Duhh, hayaan nyo yung hayop na yun," sagot nya. Napairap naman ako ewan ko ba palagi nalang talaga silang ganyan.

"May anak na kayo, pero pag nag-aaway kayo parang wala ah," natatawang saad ko. Ramdam kong natigilan sya kaya lumingon ako sa kanya. "What?" tanong ko.

"Paano mo nalaman na may anak kami? Hindi ko naman sinabi sayo ah," sabi nya at ako naman ang natigilan.

"Uhm narinig ko lang," sagot ko at umiwas ng tingin.

Shit!! Yanna, apaka daldal mo kasi. Oo nga pala hindi nya pala na banggit sa akin yun, pero alam ko naman.

"Bilisan nga natin ang bagal," singit ni Mica. Nakahinga naman ako ng maluwag, save by the bell.

Tumingin ako kay Mica, nakatingin na pala sya sa akin kaya nginitian ko sya, ngumiti din naman sya but there is something in her smile though I can't figure it out yet.

Pagdating namin sa canteen marami ng mga estudyante, ramdam kong merong ilag sa akin.

Aish sikat ba yung babaeng yun at ganito sya ka kilala ng lahat? Okay Yanna ask yourself as if sasagot yan.

"Babe, dito na kayo," agad naman akong hinila ni Mica nung narinig nya ang tawag ni Calix sa kanya.

Nasa isang lamesa sila, may pagkain ng nasa harapan nila but I can say bago pa yun kasi masyado pang hindi na kunan. Umupo ako sa bakanteng upuan na nandun.

"Anong sayo Yanna? Ako na mag oorder isasabay ko dito kay Mica," sabi ni Calix.

"Pizza and Iced coffee nalang," sagot ko.

"Okay—" hindi natapos ang sinabi nya ng may sumingit.

"No," singit ni David.

"Anong no?" nagatatakang tanong ko sa kanya.

"You should atleast... eat a proper lunch," sabi nya at umiwas ng tingin. Sasagot na sana ako pero nakatayo na sya at nag lakad papuntang counter.

Anyare don?

Walang balak magsalita kaya mas lalong naging awkward ang atmosphere. Tiningnan ko sila isa-sa pero abala naman sila sa pagkain.

Hindi nagtagal dumating narin ang pagkain namin. May naglapag ng pagkain sa harap ko. May apat na pork barbeque at rice meron din syang nilapag na corn soup—my favorite.

"Ang dami naman neto," sabi ko.

"Madami na sayo yan? Maliit palang yan kay Jay-jay," natatawang sambit ni Grace. Napatigil naman silang lahat at tumingin kay Grace. "S-sorry" dag-dag ni Grace ng ma realize nya ay sinabi nya.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now