CHAPTER 8

1K 53 8
                                    


ARIANNA'S POV

Masaya akong nag stroll sa mall ng nakatanggap ako ng text mula kay Yanna na mag papasundo daw sya sa school. Kaya heto ako on the way na.

Ano na naman kaya ang ginawa ng babaeng to. Tsk! did she already make a move?

Pagkarating ko sa tapat ng gate nila, agad kong tinawagan si Yanna. Hapon na at marami ng nagsiuwian.

"Andito na ako," bungad ko agad.

[Pumasok ka dito,] sagot nya sa kabilang linya.

"Ano?! Ayoko nga. Pahatid ka lang dito. Ako pa papasukin mo dyan," napa roll eyes nalang ako. Etong babaeng to apaka.

[Segi na please] sagot nya. I'm sure naka simangot to.

"Ayaw," parang batang sabi ko.

[Fine!] padabog nyang sabi nya.

I ended the call. I went outside my car, sumandal ako sa sasakyan at naghintay.

Nakatingin ako sa phone ko ng biglang may tumama na bola kaya nahulog eto.

"What the hell! My phone!" tanging nasabi ko lang at agad na pinulot.

Shit! Sana hindi nasira.

"Sorry miss," rinig kong sambit ng kung sino.

Tumingala ako para makita sya. Parang nag slow motion naman bigla. Nakatayo sya sa harap ko at nakalahad ang isang kamay. Para syang galing sa langit yung sinag ng araw na tumama sa likod nya kaya parang naka against the light ang nasa view ko.

Napatingin ako sa hawak nya, don ko nakita ang bolang tumama sa akin. Naalala ko naman bigla ang phone ko.

"Ikaw ang may gawa non?!" galit kong sabi.

"I'm sorry hindi ko sinasadya," mahinang sabi nya. Hindi ko tinanggap ang kamay na nakalahad nya at marahas na tumayo.

"Sorry? Maayos ba ng sorry mo ang phone ko?" ipinakita ko ang basag na bahagi ng phone ko. Tiningnan naman sya iyon.

"Ah, ipapaayos ko nalang yan sa kakilala ko," nakayukong sabi nya sabay kamot sa ulo.

"That doesn't change at all!" wanna know why bakit galit ako? Kasi naman it's the latest release of Iphone brand, wala pa dito yan sa Pilipinas! Arghh! nakakainis.

"Papalitan ko nalang ng bago," sabi nya, napatingin naman ako at napamewang. In fearness ha ang gwapo nya. He has that body built every basketball player have.

"And how would you do that?" nakataas kilay kung sabi.

"I'll find a way," lakas loob nyang sabi. "Anong brand ba yan?" dagdag nya.

"Iphone 13 pro," nakangising sabi ko. Napalunok naman sya. Magsasalita na sana sya pero may tumawag sa kanya.

"FELIX!" tawag ng kung sino at lumingon naman ang taong kaharap ko. So his name is Felix.

Lumingon din ako at nakita si Yanna and guess what? nakaalalay sa kanya si David. Yes, I know their name, psh ako pa?

Tinaasan ko nang kilay si Yanna and she winked at me. Hmm, looks like she's already starting.

"What are you doing here Felix?" tanong ni Keifer.

"Ah, wala." sagot ni Felix at napayuko.

Tumingin naman si Yanna sa akin na may pagtataka.

"He... broke my phone,"

"That was an accident,"

"Whatever, and deal?" nakalahad kamay kong sabi. Tumingin naman sya doon at bumalik ang kanyang tingin sakin. "You said you will replace my phone, right?" paglinaw ko.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now