CHAPTER 22

687 39 9
                                    

YANNA'S POV

"Congratulations, you are now officially a rank 3," anunsyo ni Falcon, ang leader ng Thrashers. Kaharap namin ngayon ang groupo nila Keifer also known us Black Spider. Sa naging laban namin kanina ay walang natalo sadyang tumigil kami sa paglalaban dahil bukod sa marami naring pasa at pagod ng katawan ay wala naman sa plano na may labanang magaganap.

Tumayo si Keifer at naglakad palapit kay Falcon na may hawak na susi, badge at card. Walang pasabi namang hinablot ni Keifer yun tsaka bumalik sa pwesto nya.

Naging tahimik ang lahat na tila ba hinihintay kung sino ang mag sasalita. Nilibot ko ang paningin sa paligid at may napansin akong usok sa madilim na bahagi bigla namang pumasok sa isip ko si Freya. Tatakbo na sana ako pero biglang nagsalita si Jay-Jay.

"Let's go home," bulong nya, hindi ko napansing nakalapit na pala sya sakin. Tumango naman ako at tumingin sa mga kasamahan ko. I didn't bother to say a word dahil sa simpling tingin lang ay naintindihan na nila ang gusto kong sabihin.

We made our exit without saying anything to them. Naiwan doon ang Thrashers at Black Spider. We immediately drove to the apartment where we left. Buti nalang at naunahan naming dumating si Freya.

"Asan nakaya si Freya?" tanong ko sakanila.

"I don't know," sagot ni Xy and Tine just shrugged her shoulders.

"I'm sure nasa stadium pa yun," Rian answered.

"Masama kasi ang kutob ko. Kanina I notice a green smoke sa bandang madilim na bahagi," I said "You notice it too, diba Jay?" I looked at her direction and she just nodded.

Half hour later ay dumating si Freya, buti nalang at nakapagbihis na ang lahat.

"Kamusta ang lakad mo?" bungad ni Jay-jay na kakagaling lang sa kusina.

"I encountered someone habang nasa stadium ako," nabaling lahat ang atensyon namin sakanya dahil sa sinabi nya.

"Who?" tanong ko.

"Hindi ko sya kilala but she's a girl," nagkatinginan kaming lahat, all of us looked puzzled wondering kung sino ang nakalaban nya.

"Did you manage to leave a wounds on her?" I asked.

"I'm not sure," nakayukong sabi nya.

"You did great Freya. You can rest and let Xy treat your scars," sabi ni Jay-jay but she didn't move nakatingin lang sya sa amin tila may gustong sabihin.

"Jay-jay," she called, tumingin naman sakanya ang huli. "Why are you still doing this? I mean alam naman nilang buhay ka, bakit pa sila kailangang manmanan?" tanong nya. Lahat kami ay tumingin kay Jay-jay at naghintay ng sagot nya.

"It's... for there safety," hindi makatingin ng deretso si Jay-Jay habang sinasagot nya ito. Tila na intindihan naman ni Freya ang tension kaya hindi na sya nagsalita muli.

DAVID'S POV

We're on our way to the main district of Enigma kung saan ang mga HQ ng iba't-ibang groupo ng mga gangster, from Class B, na pinaka lowest rank, class A naman ang nasa gitna at Class S ay ang highest rank consist of the Rank 1 which is the Goddess, Rank 2 Thrashers at rank 3 ay kami, the Black Spider. Nalaman ko lang lahat ng yan dahil sa impormasyong binigay ng Thrashers bago sila umalis sa stadium at ngayon ko lang nalaman na ang tawag pala sa stadium na yun ay Galaxy.

"I guess this is the district," sabi ni Yuri na syang nagmamaneho, sa passenger seat naman ay si Keifer. Sa harap namin ay isang malaking itim na gate. There is a big word embedded at the arc, Enigma. So I guess ito na talaga yun.

I am HER [COMPLETED]Where stories live. Discover now