SS 9

12 0 0
                                    

"Lyrics hits different when you experience such pain"

                                    - Eve Garcia Relish

Axel Dwayne

"Pare pwede ba tayong mag-usap!" napatingin ako sa pinto, ng pumasok sina Yakim at Ares.

Inayos ko ang upo ko at napamewang na Yakim ang nabungaran ko, habang si Ares naman naka dekwatro at nakatingin lang samin.

"Anong pag-uusapan natin" deretsahang sabi ko.

"Anong nangyayari sayo pare, si Eve anong ginawa mo sa kaniya?" inis na bulyaw nito.

"Mind your own bussiness Yakim problema ko ito" final na sagot ko dito, for pety sake lalaking-lalaki pero napakialamero.

"Dude ginawa mong tanga si Eve, ang bait-bait ng tao tapos ginaganon mo!" dugtong pa nito, hindi ko na siya pinansin pa at nagbuklat nalang ako ng mga papeles para may mapag-abalahan. "Hindi dapat ako mangingialam dahil problema mo iyan, pero sh*t dude!. Magpakalalaki ka, kung hindi mo na siya mahal hiwalayan mo na!. Wag mo ng paasahin pa" naidabog ko ang mga papeles sa mesa ko at tiningnan siya ng masama.

"Can you please shut your f*king mouth Yakim!" sigaw ko dito at para naman itong tangang tumatawa maging si Axel napatingin at napailing lang.

"Siraulo ka pala e, wala kang kwentang kaibigan. Nasan utak mo? nilumot na ba?, hindi mo alam na nakakasakit ka na ng damdamin ng tao." sigaw nito at dahil hindi ko na natiis ay nasuntok ko siya.
"Ano sige?! bugbugin mo ko, sa tingin mo ba kung hindi kayo nakita ni Eve kanina dito sa office, hindi parin kayo mabibisto?" napatingin ako sa kaniya at may pagtataka sa mukha.

"Doon ka nagkakakamali, yong time na sinundo ko si Demi sa school, sa tingin ko alam na niya na may babae ka. Dahil malabong hindi magsisinungaling ang kapatid mo sa kaniya." napailing ako sa sa kaniyang sinabi, 'kagaguhan' kilala ko ang kapatid ko nangako siya sakin na hindi magsasalita.

"You're wrong I know my sister well, she can't" maang na sagot ko dito.

"Yes she can!, yong time na sinundo mo si Grace  sa hotel, nando'n ako dahil inutusan ako ni Ares, na kunin ang mahahalagang dokyumento sa suit niya. Nakita ko si Eve na nandoon sinusundan ka niya, pero hindi niya sinabi sayo diba?. Dahil hinintay niya na umamin ka sa kagaguhan mo!."
Pagpapatuloy nito.

"SINABING TUMIGIL KANA!." inis na sabi ko sa kaniya at susuntukin ko na sana ulit siya ng----"

"Let him be Axel, and wake up! face the consequence. Ayusin mo yung gusot na nagawa mo." isang baritonong boses ang nagpatigil sakin.

"Pinagsasabihan lang kita pre,  palibhasa hindi mo siya nakita noong panahong iniwan mo nalang siya ng walang paalam.
Kita ko ang pagpigil ng luha nito.

Pinakiusapan mo ako na bumalik sa resorts at bantayan siya, na dapat ikaw ang nando'n! kasi ikaw ang boyfriend niya.
Sabi niya habang dinuduro ako.

Tuliro at mugto ang mata ni Eve ng makita ko ito, I even ask Ares na palagyan ng CCTV iyong tinutuluyan niya sa resorts, kasi hindi natin alam ang kaya niya gawin. Knowing Eve? alam ko at alam mo na patay na patay siya sayo, lahat kayang gawin niya para lang sayo pero iyon ang hindi mo makita!." huminga siya ng malalim at sinuntok niya ang mesa ko.

"Umuwi iyong girlfriend mo ng mag-isa, pero wala siyang galit na dinala para sayo. Naghintay iyong girlfriend mo tol ang swerte mo grabe!. Walang babae na maghihintay ng dalawang taon, sa lalaking umalis na walang paalam. Pero imbes na maghanap siya ng iba?.... umasa siya, umasa siya na uuwi ka at aayusin niyo ang relasyon niyo. Tapos ito lang yung mangyayari." hindi ako makagalaw at napa kuyom nalang ako ng kamao,  hindi ako nakakilos ng bigla niya akong suntukin.

Stolen SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon