SS 8

12 0 0
                                    

Eve Garcia


Kinabukasan, pumunta ako sa tinutuluyan niyang condo. Para bisitahin siya at ipabatid sa kaniya, na 'ipapakilala ko na siya sa pamilya ko'.

Sinubukan ko na rin siyang kontakin pero hindi niya ito sinasagot.

Tanging maid lang din ang tao sa condo niya, aalis na sana ako pero may nag udyok sakin na pasukin ang kanyang kwarto.

Sa pagpasok ko palang sa kaniyang kwarto, isang nakakakaba ang aking naramdaman.

Dahil sa pagkakamadali na baka maabutan ako ni Axel, ay binilisan kong halughugin ang lahat ng mga gamit nito. Pero wala akong makitang ebidensya man lang.

Paalis na sana ako ng mahagip ko ang isa sa mga paborito niyang painting, at hinawakan ko ito ng may malaglag na litrato.

Hindi ko alam kong bakit nagtatambol sa kaba ang aking dibdib, nanginig ang aking katawan sa'king nakita.

Bigla akong tinakasan ng dugo, at unti-unting bumuhos ang luha sa'king mata.

Nagulat ako tanging 'bakit' lamang na salita ang lumabas sa'king bibig.
"A-ate" bakit n-nandito si ate?.... bakit m-magkayakap silang d-dalawa at pareho silang may malawak na n-ngiti.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko, at biglang nabara ang lalamunan ko. Isang damdamin na ngayon kulang naramdaman ang 'selos'.

'Si a-ate ba?'.... pero bakit?!.... dali-dali kong binalik ang litrato sa likod ng painting at lumabas.

Ayuko ng magtagal baka maabutan pa ako, sapat na yung litratong nakita ko.

Nakita ko pa ang maid ni Axel at inabutan ito ng pera. Wala na akong maisip na ibang gawin kundi pagtakpan ang nangyari.

"M-manatili kang bulag at pipi sa nakita mo, huwag sana makarating ito sa amo mo na nagpunta ako dito maliwanag?" tanging tango naman ang iginawad nito sakin at hindi na akong nag abala na umalis na sa lugar na yun.

Hindi ko alam kong pumapanig ba ang mundo sakin, o sadyang mahal lang talaga ako ng diyos.

Nakita ko si Axel na kakababa lang sa kotse nito at biglang may tumawag, sasalubungin ko na sana siya pero dali-dali itong pumasok sa kotse sabay pinatakbo.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-dali akong pumasok agad sa kotse ko, buti nalang hindi pa ito nakakalayo at kahit papaano nasundan ko to.

Nakarating kami sa isang sikat na hotel dito sa Manila, hindi na ako lumabas pa. Inaabangan kung anong gagawin niya dito sa hotel na to.

Napatakip nalang ako sa'king bibig at napaiyak sa dalawang taong 'naghahalikan'.

Napakuyom ako ng kamao sa'king nakita, nagngingit-ngit sa galit.

Galit ako sa dalawang taong nasa harapan ko, nangigil ako sa inis at poot na nararamdaman ko.

Paano nila nagawa sakin to ng patalikod.

All this time pinagpalit niya ako sa kapatid ko, naiinis rin ako kay ate. Nasa ibang bansa na nga ito nakatira at minsan lang umuwi dito sa pilipinas, boyfriend ko pa ang napili niya.

Wala siyang rason na sabihin na hindi niya alam, lalo na't siya yung unang nakaalam at nakakita samin ni Axel.

Pinunasan ko aking mukha at napatingin ulit sa harapan, pero nagulat ako na wala na sila.

Dali-dali akong lumabas at saang sulok hinanap sila, pero hindi ko na sila nakita.

Muli akong bumalik sa kotse at pinukpok ko ang manobela dahil sa inis.

Stolen SweetheartWhere stories live. Discover now