Alas diyes na ng gabi pero hindi ko ininda ang puyat. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang ako napuyat simula pa kanina na linga-linga lang para mahanap siya.

Siguro kasama niya si Celestine.
Ano ba ang iniisip ko? na siya si Dust? May nililigawan ang tao kaya wag kang umepal sa lola mo! manliligaw ni Celestine yun kaya wala akong karapatan, sadyang magkamukha lang sila ni Dust.

"hali kayo, marami ng mga matanda dito"aniya Shielah kaya napatingin ako sa kanya. "baka malasing din tayo sa mga amoy ng alak nila, Shero pumunta ka sa mga kaibigan mo ok?" Tumango naman ang kapatid niya sa kanya at walang pasabing hinila ako ni Martha, hinihila din pala siya ni Shielah.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero parang pamilyar sakin ang lugar.Pumasok kami sa isang kwarto at hindi ako nagkakamali na ito din yung kwartong pinasukan ko kanina. Kwarto kaya to ni Shielah?

"Nandito pala si bogart?"

Tumahol naman si Bogart nang marinig niyang tinawag ang pangalan niya at tsaka siya pumunta sa akin at didilaan sana ako pero kinuha na agad siya ni Shielah.

"Bad dog! huwag mong dilaan si Lovely ok?" napayuko naman ang aso dahil sa sinabi ni Shielah.

Cute.

"Dito muna tayo ahh?" aniya Shielah sa amin ni Martha. Mabilis naman akong tumango. Gusto kong humiga. "Humiga ka lang Lovely, kung gusto mo may kama pa ako sa kabila, pumasok ka doon ohh!" turo niya sa isa pang pintuan.

"Oo lovely, pwede kang matulog doon kung inaantok kana, gigisingin kanalang namin kung uuwi na tayo" si Martha.

Medyo nagtaka pa ako sa mga sinabi nila pero dahil gusto ko na ding humiga ay pumasok ako. Pwede naman kasi kaming umuwi na pero bakit hanggang alas tres pa? ng umaga? Tch. Dito nalang ako matutulog.

Nilapag ko agad sa kama ang katawan ko. Kahit gawa sa kahoy ang kama ay napakalambot naman ng bedsheet nila kaya ang sarap higaan. Nakatingin ako sa ceiling nang bigla nalang akong may narinig na "pssst"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero ako lang naman mag-isa dito. Napabuntong hininga akong napabangon at tiningnan ko naman ang isa pang pintuan.

May tao kaya doon?

Kinakabahan ako habang nakatingin doon sa isang pinto.

"Psssst!"

Dahan dahan akong tumayo at naghanap ng matalim na bagay sa loob ng kwarto pero tanging gasera lang ang meron ako dito. Yun nalang ang kinuha ko habang lumalapit sa pinto.

"Psssst!"

Positive ngang may tao dito.

Kaharap ko na ang pinto at isang katerbang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Mahigpit kong hinahawakan ang gasera para sa kung mabuksan ko na ang pinto ay agad ko itong ihahampas sa kung sino man ang nandito. Napalunok ako habang binubuksan ko na ng dahan dahan ang doorknob nito. Do or die?

Tch.

Both?

Naipikit ko pa ang mga mata ko habang nakapwesto ng ihahampas ko na sana yung gasera. Minulat ko ang mga mata ko at tsaka gulat akong makita ang lalaking kaharap ko. Magsasalita sana ako nang bigla siyang mag hand sign ng 'shhhhhss' kaya nakatitig ako ngayon sa kanya ng diretsyo.

"Hindi mo ako hinanap kanina kaya pinuntahan kita...I'm sorry pero dito ko sisimulan, hali ka may ipapakita ako sayo"

Dahan-dahan namang kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. Ano daw?

Marahan niyang kinuha sa kamay ko ang gaserang hawak ko at tsaka tinabi ito gilid. Napatingin ako sa kanya nang dahan dahan niya akong hinigit, hindi ko alam pero kusa naman akong sumunod sa kanya. Sunod-sunod ang paglunok ko habang nakatingin kami sa isat-isa, parang kakaiba ang mga titig niya na para bang nakita ko na din ito dati. Napansin kong napangisi siya sa akin kaya agad akong napayuko.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now