Chapter 43- Paglipat sa Bagong Bahay

44 17 17
                                    

Apat na araw matapos matanggap sa trabaho ang kapatid ni Emily na si Lucile, dumating na din ang araw kung saan titira na sa bago nilang bahay ang magkakapatid sa isang komunidad na malapit sa dagat.

Biyernes pa lang ng gabi, sinundo na ni Lucile si Emily mula sa tahanan ni Nina para maghanda ng gamit sa lilipatan nilang bagong tirahan.

Nagpasalamat naman si Lucile kay Nina at sa mga magulang nito dahil sa pag-aalaga sa kanyang kapatid, at humihingi rin siya sa mga ito ng tawad dahil na rin sa biglang pag-iwan kay Emily.

Naunawaan naman ng mga magulang ni Nina ang mga naging dahilan ni Lucile, ngunit nakiusap sila na huwag nang pababayaan ang kanyang bunsong kapatid.

Nangako naman si Lucile matapos siyang sabihan ng mga magulang ni Nina, tsaka sila nagpaalam at umalis ni Emily.

Matapos ang gabing iyon, magkasamang dumating sa lugar ang magkakapatid at laking tuwa nila nang makitang may second floor at nasa maayos pang kundisyon ang bahay na kanilang titirahan.

Nataon namang may napadaan na ililibing na patay at nakita ng magkapatid na kasama ang lola ni Kit na si Lola Delia sa mga taong nakikilibing at sumusunod na naglalakad sa likod ng Karo.

Panay naman ang iyak ng mga kamag-anak ng patay.

Asawa ng patay (crying): "Jaime! Bakit mo ako iniwan! Sabi mo, sabay tayong aalis sa mundong ito!"

Lola Delia: "Mare, tahan na. Hindi naman maiiwasan na siya ang mauuna. Ako nga, iniwan din ng asawa ko noong namatay siya. Wala din naman akong nagawa. Pero magkikita pa rin kayo, balang araw."

Mang Saroy: "Oo. Tama si Delia. Magkikita rin naman kayo, balang araw."

Mang Selmo: "Gusto niyo, hulaan ko na kayo sa mga dala kong baraha kung kailan kayo matutuluyan? Puwede kong alamin ngayon."

Mang Saroy: "Huwag na! Selmo! Baka sabihin mo pang ngayon na ako matutuluyan! Tsaka kailan ka pa naging manghuhula ha?!"

Mang Selmo: "Ngayon lang naman."

Mang Saroy: (Hay! Jusko! Baka ikamatay ko pa nang maaga itong pagsama sa libing nang dahil sa lalaking to!)

Ngunit hindi inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

Nang biglang humarang sa dadaanan ng Karo ang tatlong lasing na mga lalaki.

Kaya napilitang tumigil sa pag-andar ng Karo nang dahil sa mga ito.

Mang Temyong: "Hoy! Tumigil kayo! Hindi niyo pwedeng ilibing yan si Jaime!"

Mang Eliasar: "Tama! Huwag niyong ilibing!"

Mang Impong: "Itigil ang libing!"

Mang Saroy: "Hoy! Kayong tatlo! Ano na naman bang kalokohan ang naisip niyo ha?!"

Mang Eliasar: "May atraso yan si Jaime! Hindi niya ibinibigay yung mga naipapatalo niyang mga pusta sa akin sa sugal!"

Mang Impong: "Oo nga! Tsaka kapag natatalo siya, umuutang siya sa akin ng pangtaya! Kailangang bayaran niya yung mga inutang niyang pera sa akin!"

Mang Temyong: "At hindi lang iyon! Kapag umuutang siya ng mga pagkain kay Saroy, pangalan ko ang ginagamit niya sa pangungutang! Kaya nagugulat na lang ako kung bakit nagkakaroon ako ng utang na hindi naman ako umuutang kay Saroy!"

Mang Eliasar: "Kaya bumangon ka na diyan! Jaime! Bayaran mo yung mga utang mo sa amin!"

Tsaka lumapit at inakyat ng tatlong mga lasing ang Karo, tsaka inilabas ang patay sa kabaong para gisingan ito.

Hanggang sa nagkagulo na ang mga taong nakikilibing dahil sa ginawa nang tatlong mga lasing.

Mang Eliasar: "Gumising ka na diyan! Ibigay mo yung mga perang naipatalo mo!"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now