Chapter 7 - Intramurals

103 49 143
                                    

Ilang araw matapos malinisan nila Emily ang lahat ng CR sa kanilang eskwelahan.

Sa wakas, dumating na rin ang araw na kanilang hinihintay, ang araw din ng Intramurals.

Ngunit bago pa man magsimula ang araw ni Emily, muli na naman siyang ginising ng ingay mula sa boses ng kasintahan ng kanyang Ate.

Ramon (cold tone): "Hoy Lucile, bumangon ka nga diyan! At maghahanda ka pa ng almusal natin! Tsaka maaga pa akong papasok sa trabaho!"

Lucile (apologizing): "Sorry honey. Nahihirapan akong bumangon ngayon eh."

Ramon: "At bakit naman?!"

Lucile: "Masama ang pakiramdam ko ngayon, kaya hindi ako makakapasok sa work ko. Pasensya ka na, Honey."

Ramon (harsh tone): "Wala akong pakialam kung masama ang pakiramdam mo o hindi! Ang mahalaga, bumangon ka na dyan at magtrabaho ka dito sa bahay ngayon!"

Lucile: "Pero-!"

Ramon (sarcastic tone): "Huwag ka na sumunbat pa, Lucile! Dahil ginusto mo iyan ang magkasakit ngayon! Kung ayaw mong makatikim sa akin ng mga masasakit na salita, sumunod ka na lang!"

Lucile (nod): "OKAY!"

Walang nagawa si Lucile sa sinabi ng kanyang boyfriend.

Kaya bumangon pa rin siya sa kama at bumaba sa hagdanan upang maghanda ng kanilang almusal nilang tatlo.

Habang naghahanda si Lucile ng almusal, lumapit si Emily sa kanyang ate na nagluluto sa kusina.

Emily: "Good morning, ate!"

Lucile: "Good morning din, bunso!"

Emily: "Ate? Bakit hindi po kayo pumasok sa trabaho niyo po ngayon?"

Lucile: "Ano kasi...masama ang pakiramdam ko ngayon, Emily. Tsaka, nakapagpaalam na rin ako sa boss ko kahapon."

Habang naguusap ang dalawang magkakapatid, biglang lumapit si Ramon sa kanilang dalawa.

Ramon: "Hoy Lucile, hindi ka pa dyan tapos maghanda ng almusal ha?!"

Lucile: "Malapit na rin ako matapos, Honey!"

Ramon: "Siguraduhin mo lang na masarap ang niluluto mo ngayon ha?!"

Lucile: "Oo na."

Nang matapos sa pagluluto ng almusal si Lucile, umupo sila sa mesa upang kumain, ngunit sa hindi inaasahang na pangyayari biglang sumigaw na naman si Ramon.

Ramon: "Ano ba etong itlog na niluto mo?! Napaka-alat!"

Lucile (apologizing): "Sorry honey, kasi hindi ko malasahan yung niluluto ko ngayon!"

Ramon: "Magluluto ka na nga lang ng ulam na itlog! Napakaalat pa! Marunong ka ba talagang magluto ha?!"

Lucile: "Pasensya ka na honey sa akin, hayaan mo papalitan ko na lang yan ulam mo."

Ramon (angry): "ALAM MO, NAKAKAWALANG GANANG KUMAIN NGAYON! WALA KA NANG GINAWANG MATINO! LUCILE! LAHAT NA LANG NG GINAGAWA MO, PURO PALPAK!"

Lucile (begging): "Sorry na honey, please huwag ka na magalit sa akin!"

Ramon (frustrated in anger): "NAPAKAINUTIL MO, LUCILE! SANA HINDI NA LANG KITA PINILI! NAGSISI TULOY AKO KUNG BAKIT KITA PINILING MAGING GIRLFRIEND KO!"

Matapos marinig ni Lucile ang mga masasakit na salitang kanyang narinig mula sa sarili niyang boyfriend, nanahimik at pilit na lang niyang isinawalang-bahala ang mga ito.

Tahimik at masama naman ang loob ni Emily sa kanyang mga naririnig mula kay Ramon at patuloy na lang siya sa pagkain. Hanggang sa tuluyan nang nawalan ng gana sa pagkain si Ramon.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now