Chapter 42- Weird Adventure

43 19 16
                                    

Isang umaga, araw ng Miyerkules, habang abala sa paggugol ng kanilang bakasyon ang mga estudyante, kabilang na ang bida nating si Emily.

Madako naman tayo sa isang komunidad malapit sa dagat, kung saan nakatira ang tahimik, hindi palaimik, at mahilig manood sa mga tao na si Kit.

Matapos kumain ng agahan, nakarinig ng malakas na mga nagsisigawang mga tao mula sa labas ng bintana, lumapit ang lola ni Kit na si Lola Delia, at sumilip sa bintana ng kanilang bahay para panoorin ang mga nagsisimula na naman ng gulo na mga lalaki sa tapat ng kanilang tinitirahang bahay.

????: " <hic!> Shinong mathapang dito ha?! Hoy! Ikaw! Mathapang ka ba ha?! SHINO! Ang sabi ko, SHINO?!"

Lalaki: "Hindi po Boss! Hindi ako lalaban!"

Maya't maya, pinagsabihan ng lalaking nasa edad 70 ang lasing na lalaki, habang nagbubukas ng kanyang maliit na Store, sa tapat mismo ng bahay ni Kit.

Matandang lalaki: "Hoy! Temyong! Umagang-umaga, lasing ka na naman. Wala bang araw na puwedeng umabsent ang pag-inom mo ng alak?"

Mang Temyong: "Bakit ka ba nangingialam, Sharoy?! Eh gushto ko nga uminom ng alak!"

Mang Saroy: "Hindi na maganda sa katawan yan pag-iinom mo ng alak. Lalo na't isang linggo ka nang umiinom."

Mang Temyong: "Anong <hic!> hindi maghanda na phinagshashashabi mo diyan?! Mabuti pa nga sha katawan ko yung alak! Becosh I'm Full of Alchohol! Tsaka wala kang kikitain kung hindi ako bibili ng alak sha ishtore mo! And andyan na din sha tapat ng Store mo yung tathlong thampalashan!"

Sa hindi inaasahan, biglang nagkaroon ng mesa, upuan, dalawang lasing din na mga lalaki na naglalaro ng baraha at lalaking naka-sun glasses na nakaputing gloves ang biglang sumulpot sa tapat mismo ng Store ni Saroy.

Napakamot na naman ng ulo ang matanda matapos makita ang biglang pagsulpot ng mga ito.

Mang Saroy: "Pambihira! Pati pa ba naman kayo?! Mag-iisang linggo na din kayong nagsusugal! Tsaka paano kayo nakapagpwesto ng sobrang bilis diyan sa harap ng Store?!"

Mang Selmo: "Simple Mang Saroy, dahil sa misteryo ng mga baraha."

Sabay kumpas ng lalaking nakahawak ng mga baraha sa kanyang mga kamay, kung saan mabilis niyang binigyan ng tiglilimang mga baraha ang bawat isa sa mga naglalaro at agad inilagay sa gilid ng mesa ang natitira pang mga baraha.

Lalo na namang napakamot ng ulo ang matanda.

Mang Saroy: "Oo! Katulad mo! Katulad ng mga mata mo ng sobrang misteryoso! Hindi ko maipaliwanag kung paano ka nakakakita at naglalakad sa hating-gabi na suot yan mga sun glasses sa mga mata mo! Tsaka, Impong! Mag-iisang linggo ka na ding natatalo ni Eliasar sa sugal! Wala ka bang planong tumigil?"

Mang Impong: "No retreat! No Surrender! Saroy! At talo ka na Eliasar! Kita mo yan! Straight Flash!"

Ngumisi naman ang lalaking kalaban nito sa sugal at ipinakita ang itinatago nitong mga baraha.

Mang Eliasar: "Hahaha! Diyan ka nagkakamali! Activate Trap Card! Tingnan mo! Ang aking Limang Alas!"

Mang Impong: "Ano?! Limang Alas?! Paanong nangyari iyon?!"

Mang Eliasar: "Akin na ang pera mo! Talo ka na naman! Hahahaha!"

Sabay kuha sa perang ipinusta ng kalaban nito at agad ibinulsa.

Mang Saroy: "Anong limang Alas na pinagsasasabi mo?! Apat lang ang Alas sa Poker!"

Mang Impong: "Ano?! Apat lang?!"

Mang Saroy: "Oo, Impong! Tignan mo nga ng mabuti! Mayroon bang Star na Alas sa baraha?! Di ba, wala?! Kaya dinaya ka na naman ni Eliasar!"

Mang Impong: "Sinasabi ko na nga ba! Nandaya ka na naman! Ibalik mo yan pera ko!"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now