Chapter 17- Ghost Story

70 35 94
                                    

Kinagabihan sa Tanod's Camp, masayang nagsalo ng hapunan ang mga grade 10 students, kasama ang kanilang guro sa kani-kanilang mga Camphouse.

Pagkatapos kumain ang lahat, tsaka sila naghugas at nagligpit ng kanilang mga kinainang plato at baso tsaka nila ibinalik sa loob ng kabinet. Matapos magligpit, pumunta ang mga 10-A students sa mga kani-kanilang kuwarto upang magpahinga at makabawi ng lakas para sa susunod nilang mga gagawin bukas.

Habang mahimbing na natutulog ang karamihan sa mga Grade 10 students, hindi makatulog si Emily sa kanyang kama kung kaya't bumangon ito tsaka siya pumunta sa sala. Nang mapansin ng mga kaibigan ni Emily na wala ito sa kanyang higaan, bumaba rin sila upang hanapin ito.

Naalinpungatan naman ang Kambal nang marinig nila ang mga yabag ng mga paa mula sa kuwarto ng mga babae at naisip nilang, pagkakataon na rin nila ito upang isagawa ang kanilang masamang plano. Kung kaya't maingat na lumabas mula sa kwarto ng mga lalaki ang mga ito at nagtago sa likod ng kadiliman.

Sina Ruby at Ivy naman ay nagising mula sa pagkakatulog, matapos silang makarinig ng mga tunog na siya namang dahilan upang bumangon ang dalawa mula sa kanilang pagkakahiga at hanapin ang sanhi ng tunog na kanilang narinig.

Pagdating nila sa sala, laking gulat ni Emily ng makita niya ring lumabas mula sa kanilang kwarto ang kanyang mga kaibigan, kung kaya't tinanong niya ang mga eto.

Emily: "Guys...Anong ginagawa niyo dito?"

Nina: "Sinundan ka namin, Emily. Kasi napansin namin na wala ka sa kama mo."

Emily: "Ah ganun ba? Kasi hindi ako makatulog, kaya nagpapalipas muna ako ng oras dito."

Claire: "Okay ka lang ba, Emily?"

Emily: "Oo naman. Tsaka anong ginagawa nina Ruby at Ivy din dito?"

Althea: "Ewan ko. Wala din akong ideya kung bakit sumama yan dalawa dito?"

Ruby: "Its because I heard some sounds na galing dito. Kaya hinanap namin ni Ivy."

Ivy: "Oo nga. Tsaka yung ginawa niyong ingay ang dahilan kung bakit kami nagising?"

Althea: "Ingay? Anong ingay?"

Ruby: "Ingay ng mga paa niyo!! What else do you think?!"

Habang nag-uusap ang mga babae sa sala, nagising sina Isaac at Axel upang pumunta sa CR at sandaling sumingit ang dalawa sa kanilang usapan.

Isaac: "Oh Girls!! Anong ginagawa niyo dito?"

Axel: "Magsi-CR din ba kayo?"

Emily: "Hindi, Axel. Nandito lang kami kasi hindi kami makatulog."

Axel: "Ah ganun ba? Sige CR lang kami saglit."

At sandaling pumunta sa CR ang dalawa. Napaisip naman ng kakaiba si Althea matapos makitang sabay pumasok sa CR ang dalawang lalaki.

Althea: (Kakaiba naman ata na nagkataong pareho sina Isaac at Axel na gumamit ng CR. Total, parehas naman silang lalaki kaya okay lang. Wala namang malisya.)

Matapos gumamit ng banyo, lumabas ang dalawa at tinanong ang mga babae na nakaupo sa sala.

Isaac: "Oh Girls? Andito pa kayo?"

Axel: "Talaga bang hindi kayo makatulog?"

Althea: "Oo, bakit? Kayo din ba? Hindi rin kayo makatulog?"

Isaac: "Oo. Tsaka hindi talaga ako sanay matulog sa ibang bahay. Kaya sasamahan na lang namin kayo. Total, nandito na rin lang kayo, hayaan niyong samahan na muna namin kayo hanggang sa antukin kayo."

Silent WaltzWhere stories live. Discover now