ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9

Start from the beginning
                                    

Buong pagtataka lang ang naka guhit sa kanyang mukha habang palipat-lipat ang nakatingin sa akin at don sa Maestro na hawak hawak ang pekeng scroll.

Ayyy!! Akala ko matino, bangag pala.

Nang maka upo na ako ng maayos sa akin upuan ay siya namang pag tunog ng kampana hudyat na tapos na ang aming klase at susunod na ang isa pa na siyang ikinabubuhay ng dugo ko.

Yayyyy!! Sapakan na.

.

.

.

.

.

.

[=A=]:

Wala sa siriling nilisan ng Maestro ang silid habang tulala parin ito sa pangyayari kamakailan lang.

Sa buong buhay niyang pag tuturo sa Akademyang ay hindi pa nangyari ang ganon kanina na ikipinagkaroon ng maraming katanongan sa kanyang isipan.

Kahit ang markang nakalagay sa scroll kanina ay bago palang din sa kanyang paningin dahil kahit kailan ay wala pang -0 ang naging marka sa scroll o nakamit ng sinuman.

Kahit ang simpleng tao lang kasi na walang mahika ay magkaron din naman ng marka sa kapangyarihan pero hanggang 20 lamang ang pinakamataas nito.

Kaya napaka imposible talaga na walang nakuhang marka ang Prinsesa kahit 1 man lang.

Hindi din niya alam kung ano ang marka kanina dahil ang naintindihan lamang niya ay ang 0 pero ang hugis patlang sa unahan ng 0 ay ang siyang hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito.

Ang scroll na hawak niya ngayon ay sira na at hindi na magagamit pa na mas lalo lamang nagpagulo sa kanyang isipan dahil kahit kailan ay wala pang nasirang scroll sa buong kasaysayan sa kanilang mundo.

Ang scroll na dala-dala niya ay mula pa sa mga nauunang namumuno sa kanilang kaharian kaya mahigit tatlong daang taon na rin ang katandaan nito.

Sabi pa nang mga naunang Maestro sa Akademyang tinuruan niya ngayon ay walang makakasira sa scroll sapagkat kayang nitong sukatin ang kapangyarihan at mahika na lagpas sa sampong libo.

Ang pinakamataas na mahika at kapangyarihan sa kanilang buong kaharian ay ang Priestess na hindi niya alam kung ano ang sukat ng antas ng kapangyarihan at mahika nito.

Pumapangalawa naman ang Emperador ng Llum na siyang namumuno sa pitong Kaharian.

Nasa 992 ang mahika nito at ang kapangyarihan naman nito ay nasa 867.

Habang ang pumapangatlo ay ang anak ng hari na si Prinsipe Lawrence na nasa 893 ang mahika at 799 naman ang kapangyarihan.

Kahit gaano pa ka taas ang mga kapangyarihan at mahika ng mga nilalang na namumuhay sa kanilang mundo ay alam niyang walang makakasira sa scroll pero hindi niya akalain na darating din pala ang araw na tulad ngayon na may makakasira dito subalit doon pa sa Prinsesa na walang antas ang kapangyarihan at mahika nito.

Hindi niya mapigilang mapabuntong hininga ng wala na siyang ibang pagpipilian pa kung hindi ay humingi ng tulong sa dating maestro upang malaman niya ang mga katanongan sa kanyang isipan.

Sa kanyang paglalakad habang bitbit ang scroll ay bigla naman niya itong nabitawan ng bigla itong uminit sa kanyang kamay.

Sinundan niya ng kanyang paningin ang nahulog na scroll at kita niya na umuusok ito habang na lulusaw ang ilang mga damo na malapit mula rito na tila isa itong nagbabaga na bagay.

Bigla kumabog ang puso niya nang malakas dahil sa kab kaya agad niyang inilagay ulit ang scroll sa kanyang alahas na singing at ininda ang mainit na inilalabas nito.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now