Chapter Twenty

Zacznij od początku
                                    

Shit.

Ako.

Ako gusto... niya.

Tangina.

Muntik ko nang matumba yung trash can sa may hallway dahil distracted ako, o baka naman kasi pumasok yung katotohanan sa kokote ko na... gusto niya 'ko.

Damn, it does feel like I'm in a drama or some story from Wattpad.

So ano, ako bida?

Nope, I can't be like this. Ayokong maging feelingera ako porket nililigawan niya 'ko, walang kami at... tsaka pakiramdam ko naman mawawala yung nararamdaman niya para sa'kin.

Yes, I do feel that way.

I do feel that nothing is going to happen, that this is just a phase.

Oo, umoo ako dahil sa sinabi sa'kin ni Genevieve pero I just don't see me and Adrian that way at all.

I don't see us holding hands, kissing, doing something crazy and just having a good relationship for the long-term, I don't.

Siguro kasi never ko inexpect o naimagine ang sarili ko na magkaro'n nang oras para sa mga gano'ng bagay. And now, yes, there is a chance but I don't think it will happen at all.

"Okay ka lang ba, ma'am?"

"O-Okay lang ako, salamat."

I don't like being distracted, I should stop thinking about this.

Today is an easy day but I knew in my gut that I should be doing something. Inayos ko yung mga dokyumento sa may storage room, andun nakalagay yung mga kontrata, blueprint ng next branch sa Cebu, and everything else.

Maayos naman ang lahat, inorganized ko lang, o talagang natitimang ako today.

And then before I know it, I checked the clock next to the door and realized that it's now lunch time.

Tinali ko ulet yung buhok ko, ayokong kakain kami tapos mukhang pumbaa ang ending ko. Nagpabango ako just in case na nalunod na yung deodorant sa kilikili ko dahil sa pawis.

Walang AC sa storage room, kainis.

And now I'm getting fucking nervous, puro ako mura nang mura today, kabado lang ako.

Pero bakit naman ako kabado?

Huminga ako nang malalim tsaka sampal sa mukha ko, mahina lang naman para mawala 'tong kaba sa dibdib ko.

Okay, let's do this.

"Mr. Cardoza?" Bati ko sabay katok nang tatlong beses sa pinto.

"Sandali! Lang!" Sigaw niya.

Why does this remind me of... something?

'Di na 'ko nagpaligoy-ligoy pa at binuksan ko na yung pinto since it's not locked anyway.

Nasorpresa lang ako pagbukas ko nang pinto at nakahiga siya sa sahig na pawis na pawis. Nasa tabi niya yung MacBook at pati na rin yung phone niya.

What happened?

At bakit pawisin siya?

"Adr...ian?"

"H-Hi... sorry, Calla. 'Di ako makatayo... hah." Tawa niya.

"Anong... anong nangyare?" Tanong ko sa kanya.

Good BoyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz