Chapter 18: Ella's Birthday.

125 86 2
                                    


Samantha's pov


"Samantha.."

Hindi pa ako dumidilat dahil sa antok. "Hmmm...ano ba yon?"

"Samantha..." Tawag niya ulet sa pangalan ko. Ang kulit nito. Nakikita niyang nasa kalagitnaan ako ng beauty rest

"Uy Sam.."

Pagkamulat ko, nakita ko siya sa gilid ng uluhan ko na may ngiti sa labi akala ko naman kung sinong gwapong anghel ang nasa harapan ko.

"Bumangon ka na dyan." Malambing niyang sabi sa akin kaya napataas ako ng kilay.

"Birthday ni Ella ngayon." Sabi niya. "Marami pa tayo aasikasuhin sa baba."

Napakunot ang noo ko sa kanya. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Hindi ko tuloy nabilhan ng regalo si Ella at hindi ko man lang naitanong kay Lina kung ano gusto ni Ella kainis.

"Hindi ka naman kasi nagtanong." Sabay kamot niya sa ulo. Lumapit ako sakanya at binatukan siya. "Aw?! Para saan yon?"

"Bwiset ka! Namimilosopo ka pa."

"Sinasabi ko lang naman na hindi ka nagtatanong, malay ko ba kasi na hindi mo pa alam.." Napayuko ito at para bang gusto pa magsorry sa kanya.

Napabuntong hininga ako at hinawakan siya sa pisnge kaya napatingin siya sa akin. "Bakit ganyan itsura mo?"

"Galit ka kasi.."

Napangiti ako. "Hindi ako galit, bakit naman ako magagalit sayo? Eto napaka oa."

"Ayoko lang na nagagalit ka sa akin, hirap kaya manuyo nang dragon."

Napalitan ng pagsimangot ang mukha ko at pinalo siya sa braso na kaya natawa siya. "Bwiset ka!"

"Hahahahahahaha! Joke lang." Natatawa niya. Napangiti naman ako sa itsura niya habang natawa siya ang cute niya kasi tumawa nawawala yung mata. "Huy?"

"Ha?" Balik ko sa sarili. Hindi ko namalayan na para akong tanga na nakangiti sa kanya.

Napangisi siya. "Wag mo naman ako masyadong pagpantasyahan. Alam ko naman nanagwagwapuhan ka sa akin."

"Ang hangin mo! Tse! Alis ka nga dyan kapal mo." Tumayo na ako at akmang lalabas na ng kwarto nang bigla niya ako hilahin pabalik sa kanya kaya napayakap at napaupo ako mismo sa hita niya.

Para akong naging statwa sa posisyon ko ngayon. Nakailang kurap pa ako bago matauhan na napatingin sa kanya na nakatitig sa akin. Habang nakatitig sa kanya nakaramdam na ako ng pagkapula nang mukha ko kaya tumayo na ako at mabilis na lumabas ng kwarto.

Napasandal na lang ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at bumabalik sa isip ko yung scene kanina. Hingal na hingal ako at para bang tumakbo ako ng napakalayo para maramdaman ko ito.

Napahawak ako sa magkabilang pisnge ko at ang init nito dahil sa kilig at hiya. "Kalma please!" Awat ko sa sarili at mahinang sinasampal ang pisnge. Huminga ako ng malalim at saka inayos ang sarili.

Sakto naman na bumukas yung pinto at lumabas siya nagkatitigan kami kaya bumalik na naman ang pagkabilis ng puso ko. Agad ako tumakbo pababa dahil hindi ko na kaya makipagtitigan sa kanya.

Dumeretso ako sa cr para maghilamos. Itinali ko ang buhok ko saka lumabas ng cr. Pagkalabas ko nakita ko si Matt nagsasandok na ng kanina. Lumakad lang ako palapit sa upuan ko ng hindi siya tintitignan ayoko na mahook na naman sa titig niya at baka lalo pa ako magmukhang kamatis dito.

Pagkaupo ni Matt sa harapan ko umiiwas talaga ako ng titig sa kanya at siya panay huli sa akin. Para mawala siya sa focus nagopen na ako ng topic.

"Nasan sila?" Tanong ko.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz