Chapter Twenty

182 2 0
                                    

Chapter Twenty 

Milyon 

"YUHOO, GLARE, nasaan ka na?" nakakakilabot na tawag ni Simon sa kanya.

Nakatago siya sa malaking puno at ramdam niyang malapit lang si Simon sa kanya. Hindi nga siya nagkakamali dahil abot-tanaw lang siya ng binata at kapag tumakbo siya ay maaaring makita siya nito at maabutan. Tinakpan niya ang labi niya para hindi nito marinig ang kanyang paghinga at ang kabog ng kanyang dibdib.

Sandaling natahimik ang kapaligiran. Sumilip siya sa kinatatayuan nito. Nandoon pa rin ito at sa ibang direksiyon ang tingin. Maagap siyang naghanap ng bagay na maaaring ihagis. Nakita niya ang malaking patpat. Inihagis niya iyon sa malayong parte ng kakahuyan. Gumawa iyon ng ingay kaya napabaling doon si Simon.

Dali-dali itong tumakbo sa direksiyon na kinahulugan ng patpat na binato niya. Agad siyang umalis sa pinagtataguan at tumakbo papunta sa treehouse. Malapit lang ang treehouse at doon siya magtatago. Maraming gamit na naiwan doon si Poseidon at alam niyang may mga lagari, martilyo, kutsilyo at kung ano-ano pa man na maaari niyang gamiting pang-self defense.

Bago pa makarating si Simon sa kinahulugan ng patpat ay naramdaman nito ang presensiya ng pagtakbo niya. Lumingon ito sa kanya at napamura ito nang makitang tumatakbo si Glare palayo. Tinutok nito ang baril kay Glare at pinaputukan. Natamaan ang isang puno malapit kay Glare. Naptili siya pagkarinig ng putok ng baril.

"P-tang ina ka, Glare! Halika ka rito!" galit na sigaw ni Simon na halos umalingawngaw sa tahimik na paligid.

"F-ck off! Hindi ako magpapakasal sa'yo!" kahit takot ay nagawa pa ring isigaw ni Glare iyon.

Patuloy lang siya sa pagtakbo papuntang treehouse. Naaaninag na iyon mula sa kinatatayuan niya. Nakahinga siya nang malalim dahil malapit na siya, ilang hakbang na lang nang bigla siyang natisod sa malaking ugat ng puno ng kahoy. Napamura siya at napadaing dahil sa sakit.

Narinig niya ang yabag ng mga paa ni Simon kaya pinilit niyang tumayo pero nabigo siya. Napasadlak siya ulit sa lupa at napadaing. Nilingon niya ang mga yabag ng paa at nakita niyang ilang hakbang na lang ang layo ni Simon mula sa kanya.

"No, no, no, no..." naiiyak at kinakabahan niyang sabi sabay pilit na hinila ang katawan palayo sa kinasadlakan niya.

"Papahirapan mo pa akong babae ka," mapanganib na sabi ni Simon sabay hablot sa buhok niya.

Napaiyak si Glare sa pinagsamang takot at sakit ng kanyang anit. Tinutok ni Simon ang baril sa sentido niya. Napaiyak siyang lalo sa ginawa nito.

"Hindi ko alam na totoo pala ang kasabihan na hindi basta-basta nakukuha ang pera. Pero worth it din naman ang makipaghabulan sa'yo kung kapalit ay isang milyon."

Tumawa ito na parang demonyo at binitiwan ang kanyang buhok. Umusod siya palikod kahit alam niyang hindi siya makakatakas sa lalaki. Tumawa-tawa pa itong lumapit sa kanya ulit habang nagsasalita at mala-demonyo ang tingin sa kanya.

"Alam mo kung anong gagawin ko sa'yo ngayon?"

Pinilit niya pa ring umusod at humakbang rin ito sa kanya.

"Tuturukan kita ng gamot ng aso para maparalisa ka. O di kaya ay dito mismo ay papatayin na kita. Dadalhin ko ang katawan mo sa Maynila at iuuwi ko kay Dante at sa pamilya mo. Pero bago 'yon ay irerehistro muna natin ang kasal natin sa munisipyo at papalabasin ko na naaksidente tayo habang pauwi tayong Maynila."

"You're sick, Simon!" hiyaw niya.

Hindi siya nito pinansin bagkos ay patuloy lang ito sa pagtawa na parang baliw.

Rancho Soler (Heaven Land Series 2)Where stories live. Discover now