Chapter Nine

164 5 0
                                    

Chapter Nine 

Halik 

HINDI NIYA alam kung bakit siya tumutugon sa mga mapang-angkin na halik ni Poseidon. Sinuklian niya ang mga halik gamit din ang mapaghanap niyang mga labi. Ginagaya niya ang paraan ng paghalik nito pero hindi niya iyon mahigitan. Mas lalong lumalim ang mga halik ni Poseidon. Tila ba sa kanya nakasalalay ang buhay nito. Tila ba kapag tumigil sila ay malalagutan sila ng hininga.

Bumaba ang halik ni Poseidon sa kanyang panga pababa sa kanyang leeg. Pabalik-balik na pinsadahan ng tungki ng ilong nito ang kanyang leeg na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

Napa-ungol siya. Sinikop siya ni Poseidon at pinatong sa kandugan nito. Doon ay naramdaman niya ang pagkalalaki nito!

"Why's your scent is so addicting, Heaven? I want to know what Heaven tastes like," erotikong bulong nito sa tenga niya.

Tiningnan siya nito nang may pagnanasa at siya naman ay namumungay ang mga mata. Wala siyang nasagot kundi halik. Tumugon ito at nagsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa kanyang dibdib.

Nakalas nito ang butones ng uniform niya at hinawakan nito ang dibdib niyang may suot pang panloob. Sumabay pa sa sarap na naramdaman niya ay ang mga mumunting halik nito doon.

"Poseidon..." pagpigil niya sa binata na naging malambing na paki-usap.

"F-ck... say my name again, please..." bulong nito.

Tuluyan na nitong natanggal ang kalahati ng uniform niya. Na-ipon iyon sa beywang niya. Kinalas din nito ang bra niya. Bumaba ang halik nito sa dibdib niya. Marahan nitong kinagat ang mga iyon na nagpa-ungol ulit sa kanya ng pangalan nito.

"Kung alam ko lang na ganito ang pakiramdam na mahalikan at mahawakan ka..."

Kinagat nito ang puno ng tenga niya.

"Sana hindi na ako nagpigil ng nararamdaman ko... Sana hindi na ako nagpigil ng pagnanasa ko. F-ck!"

Doon nagising ang diwa niya. Sa namumungay na mga mata ay napamulat siya.

Pagnanasa... Iyon lang ang naramdaman ni Poseidon sa kanya. Kaya siya hinahalikan at hinahawakan ngayon ng amo niya dahil sa pagnanasang nararamdaman nito sa kanya.

Samantalang siya ay higit pa sa pagnanasa ang nararamdaman. Kung hahayaan niyang ipagpatuloy ito ay may mangyayari sa kanila ni Poseidon. Maaaring maibigay niya ang kanyang sarili nang hindi man lang siya minamahal ni Poseidon.

Magpapatuloy pa sana sa paghalik si Poseidon pero pinigilan niya ang dibdib nito.

"Mali ito," nanghihina niyang awat sa binata.

Tiningnan siya ni Poseidon nang may pagtataka.

"What?" marahas nitong tanong.

Alam niyang nag-iba ang mood nito pero kailangan niya itong pigilan. Walang lakas na tinulak niya si Poseidon. Nanghihina pa rin siya gawa ng mga halik at hawak nito. Nang maramdaman ni Poseidon ang tulak niya ay hinigpitan nito ang hawak sa beywang niya.

"Please, Sir... mali ito..." tila nagmamaka-awa niyang sabi.

Nagdilim ang tingin ni Poseidon sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay nito. Galit sa mga sinabi niya. Sa huli ay napipilitang kinalas ni Poseidon ang kamay nito sa beywang niya.

"Leave..." malamig na utos nito sabay iwas ng tingin.

Natigilan siya saglit. Hindi niya alam kung kaya niya bang umalis o tumayo man lang.

Rancho Soler (Heaven Land Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon