Chapter Thirteen

164 2 0
                                    

Chapter Thirteen 

Glare

"GUSTO kong makilala ang pamilya mo, Heaven," pag-uulit nito.

Salubong ang mga kilay na bumaling siya kay Poseidon. Kumalabog ang puso niya. Paano kapag nalaman ni Poseidon na tagapagmana siya ng mga Villasis? Matatanggap kaya siya nito kahit nagsinungaling siya?

"H-hindi..." hindi niya masabi-sabi ang idadahilan niya.

"Huwag ka nang humindi, Heaven. Natural lang na makilala ko sila dahil gusto kitang pakasalan," mataman nitong paliwanag.

Huminga siya nang malalim.

"Bakit mo ko gustong pakasalan?" hindi niya sinasadyang matanong iyon.

Gusto niya lang umiwas sa usapin tungkol sa pamilya niya. At gusto niya ring malaman kung ano ang dahilan nito sa pagpapakasal sa kanya.

Natigilan si Poseidon sa tanong niyang iyon. Nakita niyang tumigas ang mukha nito at halatang wala itong maisagot sa kanya.

Glare, umaasa ka pa ba na may ibang kahulugan ang pag-aaya niya sa'yong magpakasal, ha?

Oo. Umaasa siya na baka may nararamdaman na sa kanya si Poseidon. Pero paano kapag wala? Paano kapag papakasalan lang siya ni Poseidon dahil nakikipagkompetensiya ito sa kakambal? Pero hihindi ba siya sa alok nitong kasal kapag sinabi nitong wala itong nararamdaman sa kanya?

"Kailangan bang may rason? Hindi ba pwedeng gusto ko ng lumagay sa tahimik? Saka ikaw lang ang babaeng pakiramdam ko ay nagpapabuhay ng lahat ng dugo ko sa katawan. I never felt it with other women before. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng katapat sa katauhan mo..." pahapyaw pa itong natawa nang sabihin ang mga huling kataga.

"H-hindi mo ba ako... m-mahal?" parang tanga niyang tanong.

Ayaw niya man ay lumabas ang pag-aasam sa boses niya. Bahaw na natawa si Poseidon. Natigilan siya at na-offend sa paraan nang pagtawa nito.

"Mahal?" sarkastiko ang tono nito. "Hindi kailangan ang pagmamahal para pakasalan ang isang tao, Heaven. Saka I'm not capable of loving anyone except for myself..."

Natigilan siya. Naapektuhan siya sa sinabi nito. Parang kinurot ang puso niya at pinagsakluban siya ng langit at lupa sa paraan ng tono at mga salita nito.

Bakit ba kasi pinilit pa niyang malaman kung mahal siya nito? Alam niya naman ang sagot doon. Pero iba ang sinisigaw ng kilos nito. Sa bawat halik at haplos nito sa kanya, ramdam niyang tila may espesiyal na namamagitan sa kanila ni Poseidon.

Huminga siya nang malalim. Nanghihinang tumango na lang siya kay Poseidon. Kahit ano pa ang nararamdaman nito sa kanya, wala na siyang pakialam. Gusto niya rin naman sa piling si Poseidon kaya bakit maghahangad pa siya ng katiting na pagmamahal nito? Sapat na na inaya siya nitong magpakasal. Natututunan naman ang pag-ibig. Gaya na lang ng kanila ni Hillary at Perseus.

"Pag-iisipan ko ang alok mo..." mahina niyang tugon.

Umaliwalas ang mukha nito at may multo ng ngiti na sumilay sa labi nito.

"Okay. And kapag nakapag-isip ka na, mamamanhikan na kami."

"Parang alam mong o-oo ako sa'yo, ah? Wala pa naman akong sagot."

Ngumisi lang si Poseidon sa kanya.

"Alam kong o-oo ka," nakangisi at siguradong sabi nito.

Magaan siyang ngumiti at umiling na lang dito.

"Tingnan natin..."


Rancho Soler (Heaven Land Series 2)Where stories live. Discover now