Chapter Nineteen

165 3 0
                                    

Chapter Nineteen 

Lagot 

"MAY BISITA ho kayo, Sir."

Napaangat si Poseidon ng tingin kay Santina nang sabihin nito iyon.

"Sino ang bi—"

Bago pa siya makapagtanong ay marahas na bumukas ang pinto ng library at pumasok doon si Natasha na tuwang-tuwa at halos mapatili nang makita siya.

"Hello, honey! Do you miss me, don't you?" malanding tanong ng dalaga at walang ano-ano'y sumampa ito sa kandungan niya at pumaikot ang mga braso nito sa leeg niya.

"Bakit ka nandito?" malamig niyang tanong.

Hindi siya nito sinagot bagkos ay hinalikan nito ang labi niya. Mariin niyang pinagdikit ang kanyang mga labi upang hindi nito mapalalim ang halik. Nang maramdaman nitong hindi siya tumugon sa halik ay lumayo ito nang bahagya at ngumuso.

"Hindi magandang hinalikan mo pa ako, Natasha," mariin niyang saway.

"Sus, if I know, na-miss mo lang talaga ako," kantiyaw nito at humagikhik pa.

Bahagya niya itong tinulak paalis sa kandungan niya at tumayo siya. Hindi niya gustong mabungaran sila ni Heaven na nasa ganoong ayos. Tinalikuran niya si Natasha at napangiti siya nang maalala si Heaven.

Halos papasikat na ang araw nang matapos sila sa pagniniig kanina. Marahil ay pagod ito ngayon. Ang kaisipang iyon ang nagpapangiti sa kanya.

"Ikakasal na ako, Tash," kalaunan ay sambit niya.

"Kanino? Sa muchacha niyo?" hindi maitago ni Natasha ang pang-iinsulto.

Binalingan niya ito ulit. Mariin niya itong pinagmasdan.

"Saan mo nasagap ang balita, Natasha?" kritikal ang tono niya.

"Eh, di, sa kakambal mo. Alam ba ng muchacha'ng ito na papakasalan mo lang siya para makuha mo na nang buo ang mana mo?" patuyang tanong nito.

Nagtagis ang bagang niya. Hindi niya gustong isipin ng lahat na para lang sa mana kaya niya papakasalan si Heaven. At saan nasasagap ng babaeng kaharap niya ang mga pinagsasabi nito? Imposibleng sa kakambal niya dahil hindi naman ito nagkakalat ng kung ano-ano lalo na kung tungkol sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Stop calling her muchacha! Mayaman din si Heaven. Taga-kabilang hacienda ang ninuno niya..." depensa niya.

Natawa nang bahagya si Natasha kahit hindi ito natutuwa.

"Ah, so, siya ang may kailangan sa'yo? Kasi diba, ang huling kuwento mo sa akin, palugi na ang negosyo nu'ng matanda sa karatig hacienda."

"Tigilan mo na nga ang mga patuyang salita mo, Tash. Ano naman ngayon kung ginagamit lang ako ni Glare? And you know what, tama ka... kailangan ko siya para sa mana ko. Alam mong matagal ko na 'yong gustong makuha, diba?" inis niyang dahilan dito.

Naiirita siya sa mga pagtutuya ni Natasha kay Glare kaya niya iyon nasabi. Sa katunayan ay wala na siyang pakialam kung mapunta sa kanya ang mana niya o hindi. Ang importante ngayon ay makasama niya si Glare sa panghabang-buhay. Wala na rin siyang pakialam kung gagamitin man siya o hindi ni Glare para maibangon muli ang negosyo ng lolo nito. Okay lang sa kanyang tulungan ang mga Villasis basta ay maging asawa niya lang si Glare nang hindi tumututol ang Lolo nito.

Lingid sa kaalaman ni Poseidon ay narinig ni Glare ang pinag-uusapan nila ni Natasha. Pinipigil ni Glare ang paghikbi at tinalikuran ang pinto ng library. Ayaw na nitong marinig ang sasabihin ni Poseidon. Nagpasya si Glare na umalis na lang ng Casa Soler.

Rancho Soler (Heaven Land Series 2)Where stories live. Discover now