"Pwede bang magbreak na tayo?"

"Why?"

"Eh kasi di ba hindi mo naman ako gusto, hindi din naman kita gusto."

"I don't want."

"Break na tayo. Sige na."

"Your reason's not enough, Miss Perez."

Tapos kain pa din siya ng kain ng sushi. =___=

Paano ba makipagbreak ng maayos??

"Pero ayoko na nga. I want out."

Binaba niya yung chopsticks niya, "you're the one who volunteered to be my girlfriend. Take responsibility."

Tapos lumabas na siya ng room. Drake Palma, wag mo naman akong pahirapan ng ganito.

Dahil nawalan na din ako ng gana magsagot ng assignment, kinuha ko yung lunch box na dala ni Drake. Sayang ang sushi!! Tsaka kinuha ko din yung snacks galing kay dad at naglakad ako papunta sa likod ng building. Dun na lang ako kakain ng lunch. Maaga pa naman.

Pumunta na ako dun at naupo sa ilalim ng puno. Haaay! Serene dito.

"Ang loner natin ah," narinig kong may nagsalita mula sa likod ko.

"Sheen!"

"Yup," sabi niya tapos naupo siya sa tabi ko, "bakit ka nandito?"

Nag shrug na lang ako, "para maiba lang. Ikaw? Bakit hindi mo kasama si Kent?"

"Nandun sa caf eh, ginugulo si Aya. Lakas ng tama nun sa best friend mo."

Natawa ako. Ang cute cute ni fluffy!!

"Bagay kaya sila. Ang cute noh!!"

Ngumiti na lang si Sheen. Bakit parang ang lungkot ni loves?

"Break na talaga kami," sabi niya.

"Bakit talaga?"

Nagshrug siya, "yung break na break na talaga."

Binaba ko yung kinakain ko tapos niyakap ko siya, "okay ka lang, Sheen?" tanong ko. Alam ko naman kasi na mahal na mahal niya si Kei eh. Eh ang iyakin pa naman nito! Mamaya nag iiiyak pala yan sa kwarto niya pag gabi!!

Naramdaman ko na tumango siya, "okay lang. At least ngayon, makakapag move on na talaga ako."

Niyakap ko pa din siya tapos hinagod ko yung likod niya. Kilala ko si Sheen eh, konti na lang iiyak na 'to!!

"Okay lang yan noh! Malapit na kaya tayong grumaduate. Malay mo sa St. Claire's Academy, may makita kang mas okay kay Kei?"

Umalis na siya sa yakap tapos nginitian ako, "ewan. Bahala na. Basta gusto ko munang magpakasaya ng single. Di ba, best friend?"

Nginitian ko siya, "naman!"

Namiss ko 'tong best friend moments namin ni Sheen!! ;))

Binigay ko sa kanya yung lunch box ni Drake tapos binuksan ko yung snacks na bigay ni dad. Hindi ko naman kasi mauubos pareho. Share your blessings daw nga!!

Tahimik kaming kumakain ni loves nung biglang may humatak sa kamay ko at hinila ako patayo!! Sheet natapon yung Belgian truffles ko T^T

"Drake!" sabi ni Sheen kasi hinahatak ako ni Palma na 'to!!

>.> tinignan niya lang ng masama si Sheen tapos hinatak ako palayo sa puno.. at sa pagkain ko!!

"Ano ba!! Kumakain yung tao eh!!"

Hindi siya nagsasalita pero nakakatakot yung The Drake Palma stare niya!!

"Next time.."

*gulp*

"Wag mong ibigay sa iba yung binigay ko sa'yo!"

SHEET NAGTAGALOG SIYA!! Pero hindi ito ang panahon para magjoke, Alys. Seryoso siya ngayon. Try ko kaya ulit makipagbreak??

"Eh bakit mo ba ako sinisigawan??"

"Because you're forcing me to!"

"Hindi mo ba alam yung share you blessings??"

Nagsmirk siya, "it's useless. I forgot that you're in love with him."

Idiot. 

I forced a smile, "oo nga no. Would you do me a favor and break up with me kasi break na sila ni Kei. Maybe i stand a chance now."

"You don't stand a chance. Not when i'm around."

"Ang sama sama mo!!" sabi ko tapos pinaghahampas ko siya. Bakit ka ba ganyan ha?? Ayoko na nga eh!! Si Tita Katrina ang mahal mo pero ayaw mo akong tigilan!! Nakakainis ka!!

"Bakit ba ayaw mo akong pakawalan? Si Tita Katrina ang gusto mo, di ba?? Alam ko, Drake. You're just toying me. Wag ka namang ganyan.."

Hinayaan niya lang ako na ganun. Pinapalo siya.

"Ang unfair mo eh."

"Pano pag nagkagusto ako sa'yo? Ganun na lang? Kawawa ako kasi hindi mo ako mahal??"

Hinawakan niya yung balikat ko tapos pinunasan yung luha ko, "i can't promise to catch you when you fall. But i assure you i'll be with you while you're falling."

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon