Chapter 1

505 10 4
                                    

CHAPTER 1

Dapit alas-kwatro ng hapon ng maka rating ang bagong mag-asawa na si Marco at Camilla sa kanilang panibagong tahanan. Gaya ng ibang mag-asawa, excited at sabik na sabik sila sa magiging tahanan na nila ngayon, na marami na kaagad silang naisip na kanilang gagawin para mapaganda ang kanilang bahay.
Isang linggo na ang naka lipas simula no'ng kinasal sila ng mahigit pitong taon nilang mag nobyo at nobya. At ngayon ito talaga ang inaabangan ni Camilla sa lahat, ang pag lilipat at pag bubukod nilang mag asawa ng kanilang matitirahan.

May sariling business at company ang mga magulang ni Marco at kasalukuyan na tumutulong ang kaniyang asawa sa kanilang negosyo. At dahil narin sa pag-iipon ng kaniyang asawa, naka bili kaagad ng lupa at nakapag patayo silang malaking bahay.

Naka tayo ang kanilang bahay sa isang private subdivision. Malaki at malawak ang bahay na mayron lamang itong dalawang palapag at kompleto na rin sa gamit.

"Nagustuhan mo ba Hon?" Umakbay si Marco sa asawa, na pareho nilang pinag mamasdan ang napaka ganda nilang bahay. Busog na busog ang kanilang mga mata na pinag mamasdan ang kabuuang kagandahan at old style ng pag kakagawa no'n at iba rin na mga antique na mga gamit. Sa unang palapag doon mo makikita ang malawak na sala, dining area, kusina, at isang silid para sa maid. Sa ikalawang palapag naman doon mo masasaksihan ang master bedroom, dalawang bakanteng silid, attic, at comfort room, na hindi konektado sa kanilang silid.

Iyon kasi ang hilig nila pareho nila ni Marco ng style ng tema ng kanilang bahay, na maka luma ang dating at istura dahil iyon talaga ang pangarap nilang bahay na ipapagawa.

No'ng 18 years old pa lang si Camilla nakilala niya si Marco dahil iisa lamang ang Unibersidad na kanilang pinapasukan. Doon na kaagad nagkaroon ng lihim na pag kagusto si Camilla ng una niyang nakita si Marco. Simula no'ng araw na iyon, pinupuntahan ni Marco sa silid si Camilla at sinu-surpresa ng kong ano-ano kaya't naging malapit at naging kilala nila ang isa't-isa.
Bago paman matapos ang taon ng kanilang pasok sa School, labis ang pagka lungkot ni Marco ng official ng mag paalam si Camilla na doon na maninirahan sa Canada at ipag patuloy ang pag- aaral nito kasama ang pamilya nito.

Walang magawa si Marco kundi mag paalam sa kaniyang ini-ibig. Labis din ang pag kadismaya ng binata dahil sa oras na sana na mag tatapat siya ng tunay niyang nararamdaman kay Camilla, doon din ito tuluyang mag papaalam sakaniya. Hindi na nagawa ni Marco na maka-usap si Camilla at nawalan na sila ng komunikasyon sa isa't-isa, ng pag tungtong nito sa Canada dahil na rin sa labis na pag ka- strict ng mga magulang ng dalaga na bawal humawak ng mga gadgets at kong ano-ano pa.

Lumipas ang mga buwan at taon, tuluyan na nila naka limutan ang isa't-isa at nag karoon na rin ng kanya-kanyang buhay at trabaho.
Labis ang pag kasabik ni Camilla, matapos ang mahigit siyam na taon,  unang mag message si Marco sa social media, at doon na muli sila nag karoon ng komunikasyon. Simula ng sandaling iyon, official ng mang ligaw at mag tapat ng totoong nararamdaman si Marco sa dalaga. Ilang buwan lamang niligawan ni Marco si Camilla, mabilis din kaagad siyang sinagot nito dahil pareho naman sila ng kanilang nararamdaman na mahal nila ang isa't-isa. Nag patuloy ang kanilang pag-iibigan na dalawa na kahit long distance relationship sila, gaya ng ibang relasyon.

Pero kinakaya naman nilang harapin at lagpasan ang bawat hamon at pag subok na sumubok sa tatag ng kanilang relasyon na dalawa.
Ilang taon silang mag kasintahan at official na nag proposed si Marco ng pag papakasal kay Camilla dahil ayaw na niyang mawalay at mawala ito sakaniya. At doon na nga naisipan ni Camilla, na umuwi sa Pilipinas para maka sama na ang lalaking pinaka-mamahal niya.

Camilla [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon