ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4

Start from the beginning
                                    

"Ang sakit ng tiyan ko." Muling daing nito habang ang isang kamay ay naka hawak sa kanyang bagong silang na sanggol at ang isa naman ay nakansa kanyang tiyan na bigla na nanaman sumakit ng sobra na parang may gustong lalabas mula rito.

"Mahal na hari kunin mo po muna ang sanggol upang matignan ko ang kalalagyan ng Mahal na Reyna." Agad naman sinunod ng lalaki ang utos ng matanda at agad kinuha sa bisig ng babae ang bagong silang na sanggol pagkatapos ay sinuri na naman ng matanda ang katawan ng Reyna lalo na ang may bandang tiyan nito.

Gamit ang sariling mahika bilang isang mahusay na manggagamot at tagapag silang ng mga sanggol ay inilagay niya ang kanyang mga palad sa tiyan ng babae pagkatapos ay umilaw ito at may usok na berde ang lumabas subalit ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng may makita siyang kakaiba sa loob ng tiyan ng Reyna.

Kahit ang mag-asawang babae at lalaki ay kinabahan narin dahil sa reaksyong nakita nila sa pagmumukha ng matanda.

"B-bakit a-ano ang nangyari sa akin?" Kahit kinakabahan man ay hindi na mapigilang pang magtanong ng babae sa matanda na nakatulala lang ito na parang may iniisip na malalim.

"H-hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ng maayos sa inyo mahal na Hari at mahal na Reyna dahil bago lamang din ito sa akin ang ganitong sitwasyon pero-...."

"PERO ANO? Sabihin mo agad upang maagapan agad natin kung ano man ang mangyayari sa aking asawa." Hindi na makapagpigil pa ang Hari upang hindi mailabas ang kanyang galit sa matanda dahil kanina pa siya natataranta at halo halo na ang kanyang emosyong nararamdaman sapagkat patuloy parin sa pagdaing ang babae na kanyang asawa dahil sa sakit habang ang matanda ay tila nakatulala lamang ng ilang minuto.

"M-may kakambal po ang Prinsesa ngunit hindi ito anyong tao dahil isa itong bolang ispirito na hindi pweding mabubuhay sa ating mundo d-dahil may tinataglay siyang........."

.

.

.

.

....

"Mahal na Prinsesa Xhandria, gumising na po kayo para makapag handa na."

Napamulat ang mata ko dahil sa marahang yugyog nang kung sino mang hinayupak sa aking balikat.

"Bakit ka ba nang gigising eh ang aga-aga pa." Inis kong kinuskus ang aking buhok at tinignan ang babaeng Radya na siya pala ang gumising sa akin.

Badtrip talaga lagi nalang niyang pinuputol ang panaginip ko.

"K-kasi po, dapat po muna kayo kumain bago pumasok?"

Hindi siguradong sabi nito sa akin na siyang ikinasama nang tingin ko sa kanya.

Manggigising ng tulog tapos wala palang kasirugaduhan ang kanyang irarason?

Kabwessittt lang!!

Nakita ko naman itong umatras at dali daling lumabas sa aking silid.

Susss!!! Apaka sarap niyang habulin tapos gawing soccer ball.

Napa buntong hininga nalang ako tsaka bumangon at umalis sa aking kama.

Dahil gising na ang buong diwa ko sa inis ka Radya ay maliligo nalang ako para lumamig ang uminit kong ulo.

Ayos lang sana kung lalaki ako at mainit ang ulo sa taas or ibaba pag umaga dahil nature na nila iyon pero dahil babae ako ay nakakasura talaga.

Naglakad ako at pumunta sa aparador upang kumuha ng tuwalya pagkatapos ay nag tungo sa banyo.

Gusto sana Nina Navah at Radya na paliguan ako ngunit hindi ako pumayag sapagkat hindi ako sanay na may ibang humahawak sa aking balat at katawan habang naliligo.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now