CHAPTER 5 - The Host

609K 16.5K 1.5K
                                    

CHAPTER 5 — The Host

SA HALIP na hanapin ang babae na pinapahanap ng boss niyang uncle yata si Hitler, nanatili sa aparment niya si Gemini at humilata sa kama niya buong naghapon.

Pinuntahan lang niya ang organizer na pinapapuntahan ni Aidan baka malaman nito na hindi siya pumunta. Kinuha niya ang listahan ng mga inimbitahan sa Masquerade Ball at nang makita ang pangalan ng ina ni Aidan na isa sa mga imbitado, kaagad niyang itinago ang listahan.

Hindi puwedeng malaman ni Aidan na imbitado ang ina nito. At hindi nito puwedeng malaman na kilala rin niya ang host ng masquerade ball na 'yon.

Habang nakatingin sa kisame ng silid niya, hindi namalayan ni Gemini na nakatulog pala siya.

Nagising lang siya ng malakas na tumunog ang cell phone niya. Naiinis na kinapa niya ang cell phone na nasa gilid ng kama niya at sinagot ang tawag.

"Yes? Gemini Tejares, speaking." She grumbled.

"Nasaan ka?! Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot! Tell me, Gemini, should i look for another competent secretary?!"

Napamulagat siya at biglang napaupo sa kama. "What? No. I'm sorry, boss—"

"Ano na ang nangyari sa pinapagawa ko sayo?" Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Inilayo ni Gemini ang cell phone sa tainga niya at bumuga ng hangin para i-ready ang sarili na magsinungaling.

Gemini put the phone back over her ear. "Boss, pinuntahan ko po ang lahat ng imbitado na dalaga at tiningnan ko ang mga maskara nila, pero wala po talagang kaparehas sa maskara niyo." She lied flawlessly.

Napangiwi si Gemini ng marinig na malutong na nagmura si Aidan.

"Meet me in Délicieux Cuisine Restaurant, Thai Cuisine Floor." Utos ni Aidan. "Dalhin mo ang listahan ng mga inimbetahan."

Kinabahan siya bigla. "Ang listahan, boss? Ngayon na?"

"Yes. Hurry up. Huwag mo akong paghintayin." Anito at pinatay ang tawag.

Mabilis pa sa alas-kuwatro ang sumunod niyang kilos. Binuksan niya ang laptop at sobrang bilis na ini-encode ang list ng imbetado sa ball. Kinopa niya sa original list pero tinanggal niya ang pangalan ng ina ni Aidan at pinalitan iyon ng gawa-gawa niyang pangalan para magkasya sa isang daan ang listahan. Tapos pini-print niya kaagad.

Gemini take the fastest shower in the history of shower, she put a simple low waist denim jeans and a color lilac hanging blouse na kita ang makinis niyang puson, then she put on her contact lens.

Pagkalabas niya sa apartment, nagmamadali siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Délicieux Cuisine Restaurant. Fortunately, hindi umepal ang traffic kaya kaagad siyang nakarating sa kaniyang destinasyon.

She hurriedly went to Thai Cuisine Floor and there, she saw Aidan on the far corner table. Hindi maipinta ang mukha at mukhang mapapasabak na naman siya sa masama nitong ugali.

Nagmamadali siyang lumapit sa mesa nito. "Good evening. Sorry na late ako—"

"Who are you?"

Natigilan siya sa tanong na lumabas sa bibig nito habang titig na titig sa kanya.

Kinunotan niya ito ng nuo kapagkuwan. "Ahm, it's me, Gemini."

Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Umawang ang labi nito pagkatapos siya nitong hagurin nang tingin nang ilang beses.

Napailing-iling ito at hinubad ang coat na suot pagkatapos ay tumayo at lumapit sa kanya.

Sinundan niya ang tingin ni Aidan ng makitang matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa likuran niya. She saw a man who's giving her sexy back a lustful stare. May kasama itong babae pero hindi man lang ng lalaki alintana ang ka-date nito. Men!

LADY MASQUERADE Donde viven las historias. Descúbrelo ahora