Prologue

34 2 4
                                    

Bata pa lamang si Danny ay alam nya sa sarili nyang naiiba sya sa mga ordinaryong bata.

Bukod sa pagiging bakla nya na naghuhumiyaw, ay may isa pang dahilan kung bakit sya naiiba.

May taglay syang kakaibang lakas na hindi normal para sa karamihan.

Nadiskubre nya ito noong limang taong gulang pa lamang sya.

Kasama niyang naglalaro sa parke na hindi kalayuan sa kanilang bahay si Tikya na matalik niyang kaibigan.

Nang bigla na lamang may lumapit sa kanilang limang batang lalaki na di hamak na mas malaki sa kanila. At napagtanto nya kung sino ang mga ito.

Si Lando ang leader at kasama ang mga kaibigan nito.

Kilala ito sa lugar nila sa pagiging basagulero sa edad na pitong taong gulang. Hindi na rin kataka-taka sa karamihan ang ganung gawain ng bata dahil kilala sa lugar nila na kasapi ang ama nito sa isang sindikato na nagbebenta ng droga.

"Hoy bakla!" Pang-aasar nito ng makalapit kay Danny sabay itinulak siya nito dahilan upang sya ay mapaupo sa lupa. Nagtawanan naman ang mga kasama nito na nakapalibot sa kanila.

"Lando! Bakit ka ba ganyan?! Lagi ka na lang nang-aaway!" Pagtatanggol ni Tikya at saka dumipa at iniharang ang sarili.

Kahit may kaliitan si Tikya ay hindi ito natatakot na ipagtanggol si Danny sa mga naglalakihang batang lalaki sa harapan nila.

"Eh ano bang paki mo bansot? Ha?! Wag ka ngang makialam kung ayaw mong suntukin kita!" pagbabanta ni Lando habang may pag amba pa ng pagsuntok.

Kahit na may takot na nararamdaman si Danny dahil kaharap nila ang batang lalaki ay agad naman itong tumayo at sinubukang kunin ang kamay ni Tikya para umalis. Hindi pa nga sila nakakaisang hakbang ay pinigilan na sila nito.

"Ops! Saan kayo pupunta ha?!" Pag-aangas nito habang yung mga nakapalibot sa kanila ni Tikya ay nakangisi lamang.

"Kala nyo makakaalis kayo ha?" Wika nito.

Wala nanaman sigurong magawa ang isang to kaya sila ang napagdiskitahang bullyhin nito. Ani ni Danny sa isip nya.

Natatakot ma'y hindi na pinigilan ni Danny na sumagot dito.

"Ano bang problema mo Lando? Wala naman kaming ginagawang masama sayo ah!" Pangangatwiran nya rito.

"Ah sumasagot ka pa ah! Sige na bugbugin nyo na yan!" Pag-uutos nito sa kanyang mga kasamahan habang nakangisi.

Susuntukin na sana sya ng apat na lalaki ng bigla na lang tumalsik ang isa sa apat. Gulat man sa nangyari dahil tinulak lamang nya ito ay wala na syang ginawa kundi ang gawin na lamang ito sa tatlo pang natitira dahil napatigil ang mga ito dahil sa nangyari.

Gulat at takot naman ang mababakas sa mukha ni Lando dahil sa nasaksihan. "D-di p-pa tayo t-tapos bakla!" Sigaw nito at kumaripas ng takbo.

"Wow Danny! Ang galing at ang lakas mo!" Manghang turan ni Tikya dahil sa ginawa ni Danny.

"Ayos ka lang ba Tikya?" Pagputol ni Danny sa pagkamangha ng kaibigang babae saka ito nginitian.

"Oo Danny, pero ikaw ok ka lang ba? Hindi ka ba natakot sa kanila?" May pag-aalala sa tono ng boses nito.

"Medyo natakot ako pero-"

"Huwag ka nang matakot. Ipagtatanggol kita. Tsaka may powers ka naman eh. Ang galing ko kaya! Ang lakas-lakas mo." Wika ni Tikya na akala mo siya ang nagpauwi sa mga iyon saka ngumiti. Mas lalo tuloy lumaki ang namimintig na pisngi ni Tikya.

Matapos ng pangyayaring yun ay kinuwento nya ito sa mga magulang nya. Nagulat man ang mga ito sa kanyang kwento ay nakinig na lamang ito sa kanyang at sinabihan na kapag nakita nya ulit si Lando at ang tropa nito ay umiwas na lamang ito at huwag makikipag-away.

---
Hi guys first story ko po ito. Di ko alam kung ok lang po ba yung prologue or hindi. Please leave po kayo ng comment if ever meron po kayong ideas or feedback sa story.

Anyways sana po ay suportahan nyo po ako. Salamat po.

-Jae

DARLA! Ang Baklang SuperheroWhere stories live. Discover now