Chapter 20

16 5 0
                                    

Minulat ko ang aking mata at habol hiningang napatingin sa paligid. Gulat ako ng bumungad sakin ang isang matandang lalaki.




"n-nasan a-ako?" nanghihinang tanong ko sakanya, gulat naman itong napatingin saakin saka tumayo, tumakbo ito palabas at sumigaw na gising na ako, I heard some of their footsteps. Bumungad sakin si seonwoo.




'nakabalik ako'




Naiyak ako ng makita siya, dali dali naman niya akong nilapitan "eun young, may masakit ba sayo?" nag aalalang tanong niya, umiling lang ako.




"a-asan si seo jung?" umiiyak na tanong ko kay seonwoo




'please don't tell me, I'm too late'




"Nasa palasyo naghahanda para sa coronation niya, ngayon na siya tatanghaling hari. Hindi mo lang alam kung gaano siya kasabik na makita ka" wika ni seonwoo, naalala ko ang nabasa ko sa History of Goryeo Dynasty.




Kailangan kong makapunta ng palasyo




"seonwoo, dalhin mo ako sa palasyo please..." pagmamakaawa ko kay seonwoo, tumango naman ito at naghanda ng karwahe.




Napag alaman ko na nacomatose pala ako ng ilang buwan dito. Ilang oras lang ako nakabalik sa panahon ko pero buwan na kaagad dito.




Kinakailangan kong makarating dun sa lalong madaling panahon baka mahuli ako.




Nang makarating kami ng palasyo, Nagsisimula na ang coronation ni Seo Jung. Nakita ko siyang naglalakad sa gitna. Nang makarating siya sa gitna ay humarap siya at dun nagtama ang mga mata namin. Nakita ko pang nanlaki ang mata niya sa gulat kaya nginitian ko siya. Nangilid ang luha sa mga mata ko, ng makita ang mukha niya. He continued the rituals habang ako naman ay palinga linga sa gilid ng may nakita akong lalaki na nakatayo sa gilid.




'Wang Han Byeol!'




He pointed his arrow at Seo Jung. Wala sa sarili akong tumakbo papunta kay Seo Jung, narinig kong tinatawag ako ni Seonwoo pero patuloy lang ako sa pagtakbo, nangunot ang noo ni Seo Jung ng makita akong tumatakbo papunta sakanya, bago paman tumarak ang pana sa dibdib ni Seo Jung ay tinulak ko siya kaya ako ang natamaan sa dibdib. Gulat naman na napatingin si Seo Jung sakin saka sa pana na nakatarak sa dibdib ko. Nakita kong nangilid ang luha sa mga mata niya.





Nginitian ko siya, naramdaman ko ang matinding sakit at napaluhod. Tumakbo siya papunta saakin at hinagkan ako.




"m-mahal...h-hindi" umiiyak na wika niya, tumulo ang luha ko ng makita siyang humagolgol, itinaas ko ang kamay ko para haplosin ang pisnge niya




"m-mahal na mahal kita..." nanghihinang wika ko, at unti unti pumikit at nawalan ng malay pero bago pa yun narinig ko pa ang sigaw ni seo jung at ang malakas niyang pag iyak.










Present









Napamulat ako nasa ilalim pa din ako ng tubig, lumangoy ako paakyat pero parang hindi kakayanin ng lakas ko bago pa ako malugutan ng hininga naramdaman kong may humila sakin paakyat sa lupa. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil nawalan ako ng malay.




Naramdaman kong may tumatapik sa pisnge ko kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, bumungad sakin ang lalaking kamukhang kamukha ni Seo Jung. Nanginilid ang luha ko at hinaplos ang mukha niya, nangunot ang noo niya pero hinayaan niya lang ako. Habang tinititigan at hinahaplos ang mukha niya dun ako nakita ang bracelet na kulay red ka kamay ko.




Umiyak ako ng Umiyak habang yakap yakap ang kamay ko kung nasaan nakalagay ang bracelet.




"mm...miss san mo nakuha yang bracelet mo?" nagtatakang tanong ng lalaki pero hindi ko siya sinagot




He showed his wrist and there, I saw a bracelet same exactly like mine. Napatakip ako ng bibig ko saka siya tinignan sa mata. Nakangiti siya sakin, lumabas ang dalawa niyang dimples. I was caught off guard by what he said next.




"mahal..."
























the end.

THE FORGOTTEN || JW STORYWhere stories live. Discover now