Chapter 15

11 5 0
                                    

Seonwoo POV




'Seo Jung'



Sa dami ng lugar na pinuntahan ko, dito ko lang pala siya makikita. Hindi maipagkakaila na anak talaga siya ng hari basi sa hitsura at tindig niya makikita mo talaga ang dugong bughaw na dumadaloy sakanya.



Nandito ako ngayon sa loob ng silid na inakupahan ko, napakaliit talaga ng mundo sino ang mag aakala na ang babaeng nakilala ko lang sa restawran ay asawa pala ng prinsiping hinahanap ko. Habang nagliligpit ng mga gamit narinig kong tinawag ako ni aling sun young.



"ijo! lumabas kana riyan at magmeryenda..."



Lumabas ako at nadatnan ang nakahandang meryenda saka nandun din ang mag asawa, tinignan ko si eun young at nakangiting kumakaway ito sakin habang si seo jung naman ay nakatingin lang.



"seonwoo! umupo kana dito" giliw na wika ni eun young kaya tinanguan ko lamang siya.



Habang kumakain nag iisip ako ng paraan kung paano sasabihin sakanya tungkol sa kanyang pamilya, mukang wala siyang alam na isa siyang prinsipe. Baka pagsinabi ko agad hindi siya maniwala. Nakikinig lang ako sa usapan nila, sumasagot lang pagtinatanong.



"kailangan ko ng umalis, mister..." rinig kong paalam ni eun young, hindi maipagkakaila na napakagandang babae ng asawa ni seo jung pero pag naging prinsipe na siya hindi na sila pwede dahil kailangan niyang maikasal sa babaeng mataas ang ranggo sa lipunan.



Nakita ko kung paano niya hagkan at halikan sa noo ang asawa siya 'mukang mahal niya talaga 'to'



"mag ingat ka, mahal..." mahinang boses na sabi ni seo jung.



Nawawalan na ako ng oras kailangan ko na talagang kumilos at sabihin sakanya ang totoo. Nararamdaman ko ring may nagmamasid sa bawat kilos ko kaya sa lalong madaling panahon kailangan ko na talagang sabihin kay seo jung na prinsipe siya at kailangan niyang pumunta ng palasyo.



Nilapitan ko siya at nagdesisyong sabihin na sakanya ang "seo jung pwede ba tayong mag usap?" seryosong tanong ko, nangunot naman ang noo niya kapagkuwan ay tumango din.



Naglalakad kami ngayon papuntang dyeseong sabi niya dun daw kami mag usap. Nang makarating na kami, nilingon na niya ako at parang nag iba ang awra niya.



Nginisian niya ako "ano ang ginagawa ng commander in chief sa bayan namin?" nagulat ako sa tinanong niya



'alam niya...'



Yumuko ako para magbigay ng galang sakanya "mahal na prinsipe, ipinapahanap kayo ng inyong amang hari" magalang na wika ko



Narinig ko ang malakas na pagbuntong hinga niya at nakitang nakatingin siya sa ilog mukang malalim ang iniisip.



"kelan tayo aalis?" rinig kong tanong niya kaya napatingin agad ako sakanya



"sa lalong madaling panahon, kamahalan...binigyan lamang ako ng isang buwan ng hari para hanapin ka" pagpapaliwanag ko sakanya, tumango naman siya



"bukas na tayo umalis..." seryosong wika ng prinsipe



"paano po ang iyong asawa?" nag aalinlangang tanong ko sakanya, umigting ang kanyang panga.



"hindi ko siya asawa...hindi totoong kasal kami, inutusan ko lang ang pinuno na kunwaring ikasal kami"



Tumango ako 'mabuti naman at hindi na magkakaproblema'



"kailangan na nating bumalik, wag na wag mong ipagsabi ang tungkol saakin. naiintindihan mo ba?" maawtoridad na wika ni prinsipe seo jung.



"masusunod, kamahalan..."



















THE FORGOTTEN || JW STORYWhere stories live. Discover now