Chapter 13

10 5 0
                                    


It's been 2 weeks since that lantern festival and that was the day I realized I already like Seo Jung. Naging mas malapit na din kami sa isa't isa wherein fact parang mag asawa na talaga kami. He is sweet and clingy sometimes but there are also times that he is grumpy but all in all our relationship leveled up.



"Mister! Alis nako!" pagpapaalam ko kay seo jung, sinabihan na niya ako na wag na magtrabaho dahil siya nalang daw ang bahala para saaming dalawa pero hindi ko naman pwedeng hayaan na siya lang, we're husband and wife at kailangan namin magtulongan.



Lumabas si Seo Jung galing sa kwarto namin saka nilapitan ako at binigyan ng halik sa noo. Nakasanayan ko na to, ganyan siya lagi. I'm not fond of physical touch before pero pagdating sakanya parang ang normal lang. Pagmatutulog kami lagi kaming magkayakap, baka nga hindi na ako makatulog pag hindi siya kayakap. Nasanay na ako, sinanay niya ako.



To be honest, fear are starting to creep on my mind. This ain't permanent kaya natatakot ako na baka bigla bigla nalang mawawala. Just by thinking of it, parang ang sakit na.



"mag ingat ka, mahal..." malambing na wika niya kaya nginitian ko siya at tumango.



'ayan nanaman ang 'mahal' i think that's the sweetest endearment for me'



Pagkatapos nun ay umalis nako papuntang restaurant ni hae won.



Madaming mga customer ngayon kaya naging busy ako sa pagseserve ng orders.



"Eun, pakitanong nga kung ano ang order ng bagong customer na yun" utos ni hae won sakin, tinanguan ko siya saka naglakad papunta sa lalaking nakakulay itim na damit.



"ano po ang sainyo, sir?" nakangiting tanong ko sakanya, hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nakasuot siya ng 'gat' it is a korean traditional hat worn by men along with hanbok, just like in some korean historical drama.



"isang dakjuk (chicken porridge)" napakalalim naman ng boses niya, tinanong ko siya kung yun lang ba ang order niya at tinanguan naman niya ako kaya pumunta na ako kay hae won para ibigay ang order niya.




Maya maya pa ay sinerve ko na ang chicken porridge niya, grabe lantak niya parang isang taong hindi kumain. Nag order pa siya ng isang serve ng matapos niya ang isang order niya. Habang kumakain siya may pumasok na mga lasing at nasagi siya kaya natapon ang pagkain niya. Hindi siya gumalaw at tinignan lang ang pagkaing natapon. Tumayo naman ako at nilapitan ang mga lasing.




"pwede ho ba kayong umalis? nakaistorbo po kayo sa mga customers namin..." kalmadong wika ko sa mga matatandang lasing, tinignan lang nila ako ng masama saka nilapitan at hinawakan sa kwelyo.




"manahimik ka babae..." sabi ng matandang lasing, malakas na inalis ko ang kamay niya sa kwelyo ko at tinignan din siya ng masama




"mawalang galang na po, pero hindi po to ang lugar para sa mga lasing na katulad nyo" matapang na sabi ko, mukang nagalit siya at akmang sasampalin ako ng biglang pinigilan ng lalaking nakaitim ang kamay ng matanda




"umalis kana bago pa ako mawalan ng pasensya..." sabi ng lalaking nakaitim ng may pananakot na boses, tinawanan lang siya ng lasing at akmang susuntokin ang lalaki gamit ang isa pa niyang kamay ng bigla siyang paikutin ng lalaki at inipit ang leeg ng matanda sa braso niya ang at isa pa niyang kamay ay may hawak na patalim at nakatutok sa leeg ng matanda.




"Hindi mo ba alam na nasayang ang pagkain ko dahil sayo?" nakakatakot na tanong ng lalaki sa lasing, mukang natakot naman ang matanda at nagmakaawa na bitawan siya ng binata. Mabuti nalang at binitawan niya ito saka tinignan ng nakakamatay na tingin bago hinayaang umalis.




"magkano lahat ng kinain ko?" tanong niya sakin, ngayon ko lang nakita ang mukha niya at di ko maipagkakaila na gwapo din ang isang 'to pero parang nakakatakot ang aura niya.




'i don't know but there is something about this guy. I can feel it.'

























THE FORGOTTEN || JW STORYOnde histórias criam vida. Descubra agora