"You can go now girls, make sure na hindi na eto mauulit muli" sabi niya kaya tumayo naman kaming tatlo at dumiretsong lumabas ng office.

Ang dali kausap diba? Hahahahahahaha.

Tumingin naman sa relo si Bea bago tinignan si Irma at iginala ang paningin at ganon din ang ginawa namen.

"Tara dito" yaya ni Bea kay Irma sa isang sulok kaya tumambay naman kaming dalawa ni Eunice sa gilid para magmasid.

Beatrice Pov

"May importanteng misyon ho ba kayo, kaya kayo nandito master?" Tanong niya kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na ang sadya ko sakanya.

"May ipapahanap ako sayo na importanteng bagay. Since ikaw naman ang secretary alam mo kung sino ang pumapasok sa eskwelahang eto. Bigyan mo ako ng sapat na impormasyon tungkol sa tatlong lalakeng to" sabi ko sabay bigay nung picture nila Japhet.

"Masusunod master, ibibigay ko kaagad sainyo" sabi niya kaya naglakad naman ako palabas at saka sumunod sila Cheska saaken.

"Bea tanghalian na–"

Naputol naman ang sasabihin ni Eunice ng biglang umilaw ang mga relo namen kaya agad naman kaming napatakbo pababa ng building na yun saka bumalik sa classroom namen para kunin ang mga gamit namen.

Napapatingin naman saamen ang mga kaklase namen habang tumatakbo kami palabas ng gate.

"Masters get in" sabi ng bodyguard ko kaya tumalon naman ako papasok at hindi pa tuluyang nakakapasok si Eunice umandar na ang sasakyan.

Pero nakakapit naman agad siya at parang wala lang sakanya ang tumalon ng ganon kadilekado.

"Saan tayo?" Tanong ni Cheska.

"Lady Aishie's organization" sagot ng isa sa mga bodyguard namen kaya agad namang umikot ang upuan namen dito sa loob ng van kaya sabay-sabay naman kaming tumayo para magpalit ng damit.

Iba ang uniform namen kapag pupunta kami ng organization ni ate Aishie at sa organization namen.

"What's the emergency?" Tanong ko pag-upo at pagharap ulit nameng tatlo ng makabihis.

"Lady Aishie's agents caught two spies, spying around your house masters" sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

"What!? The heck bakit!?" Gulat na sabi ni Cheska kaya agad ko namang kinuha ang laptop na hawak ng bodyguard bko at kinalikot yun at binuksan ang cctv ng bahay mga ilang oras bago kami umalis kaninang umaga.

"Bea, Bea, Bea zoom in mo. Zoom in mo bakla!" Sabi ni Eunice sa ikatlong cctv kaya ginawa ko naman yung sinabi niya at may nakita nga kaming dalawang lalake mula sa di kalayuan ay gumagamit ng telseskopyo at napakunot ang noo ng makitang sa direkyon ng kwarto ko iyon nakatutok.

"Hala Beatrice mga stalker mo ata yan ehh!" Sabi ni Eunice kaya nabatukan siya ni Cheska.

"Tanga baka yung mga ex yan ni Bea" sabi naman ni Cheska at siya naman ang binatukan ni Eunice.

"Tanga hindi pa nagkakajowa yang si Bea may ex na? Ang bobo mo" sabi ulit ni Eunice kaya tinignan ko naman sila ng walang reakyon.

"Mga tanga! Seryoso kayong yan ang pinag-uusapan niyo ha?" Bored kong sabi.

"Hehehehe" tawa nilang dalawa kayabumirap na lang ako.

"We're here masters" sabi ng driver namen kaya agad naman kaming bumaba at pagpasok pa lang namen ng pituan umandar naman yun pataas.

"The trio has arrived" anunsyo ng isang babae mula sa speaker kaya nagsigilid silang lahat at sabay-sabay na yumuko sa harap namen bago kami nagpatuloy naglakad.

"Lunch my lady" biglang sulpot ng apat na chef sa gilid namen hawak ang mga tray.

"Thank you" sabi ko at agad namang bumukas ang pintuan ng narating namen ang kwarto kung saan tino-torture ang mga nadadakip.

"Sit down ladies" nakangiting sabi ni ate Aishie pagpasok naman kaya umupo naman kami sa harap ng mahabang mesa kaharap ng dalawang tao na nagapos ang buong katawan sa upuan habang ang dalawang kamay ay nakatali sa lamesa kung saan namen sila puputulan ng daliri.

"Tara kain muna tayo" yaya ni ate Aishie at naupo sa gitna namen ni Cheska. "Kumusta ang pag-aaral?" Tanong niya habang hinahanda nila ang pagkain namen.

"Exciting" sagot ko at tumawa naman siya.

"As expected" sagot niya. "Nga pala alam niyo na ba?" Tanong niya.

"Na?"

"Na mas gumada ako lalo!" Sabi niya kaya tinawanan ko siya at inilingan. "Hindi eto yung totoo. May bagong labas na mga kutsilyo ngayon ang mga agents niyo, hindi pa ba kayo nabibigyan?" Malapad na ngiti niyang sabi.

"Ok na ako sa dati" sagot ko.

"Bakit meron ka na ba ate?" Tanong sakanya ni Cheska.

"Meron! Ako pa ba! Hahahaha eto ohh!"  Sabi niya at nilabas ang isang kahoy na kahon at binuksan yun.

"Bakit wala yung talim?" Tanong ni Eunice.

Nilabas niya naman mula sa kahon yung handle ng kutsilyo at inagaw ko naman agad yun sakanya at tinignan ang itsura neto.

"So anong meron sakanilang dalawa?" Tanong ko at nakita ko naman na parang may pipindutin dito sa handle ng kulyo kaya pinindot ko yun.

"Whooo!! Kyaaaaaa!! Ang cool!" Tuwang-tuwa na sabi ni ate Aishie ng lumabas ang talim nung kutsilyo at umilaw pa yung dulo dahil sa kintab non. "Ahh tungkol sa dalawang yan." Sabi niya sabay turo doon sa dalawang lalake na nakaupo sa harapan namen.

"Well, since alam niyo naman na mahal na mahal ko kayo may ipinadiliver ako sa mga tauhan ko at yun nga yung mga bagong labas na armas pwera dito sa kutsilyong to. Then ng nadakip silang dalawa ng mga pogi at matcho kong tauhan, eto nakita nila sa kotseng gamit nila" sabi niya sabay pakita ng mga picture nameng tatlo na nasa loob ng bahay kaninang umaga.

"Kanina ko pa sila tinatanong kung sino nag utos sakanila kaso gusto ata masaktan kaya tinawag ko na kayo para sabay-sabay tayong magsasaya sa gagawin sakanilang dalawa" nakangiti niyang sabi.

She's creepy, really. Tuwang-tuwa siya tuwing may ganito at talaga namang mukhang aadobohin niya lahat ng parte ng katawan ng mga tinorture niya.

"Ikaw na muna bahala sakanila ate  pakainin mo na muna kami ha, basta tirham mo kami ng puputulin hahahaha" sabi ni Cheska.

"Okie! Watch me darlings" nakangisi niyang sabi sabay lakad papunta sa unahan namen.

The Badass TrioWhere stories live. Discover now