CHAPTER 47

252 14 0
                                    


Eunice Pov

"Bobo mali nga kasi!" Batok ko kay Earl.

"Tanga! Sabi ko yun ehh! Ang likot mo kasi!" Batok niya naman pabalik saaken.

"Hm! Hampas ko to sayo ehh, teka! Ohh gumagalaw na ulit. Ayusin mo kasi" sabi ko at nilagay sa gitna namen yung tablet.

Kanina pa kami nagsasakitan dito pero walang imik pa rin yung pito sa likod. Tutok na tutok naman ako sa panonood sa ginagawa ni Earl ng bigla na lang may taong nakatayo sa harapan namen kaya sabay kami ni Earl na napatingala sakanya.

"Can I sit here for awhile?" Tanong ni Atlas kay Earl kaya napakunot ang noo ko kaya nilingon ko sina Bea at mas kumunot ang noo ko ng makitang katabi na ni Bea si Bryce at katabi na rin ni Jax si Cheska, kaya ibinalik ko ang tingin kay Atlas.

"Bakit naman? Bumalik ka nga doon! Kita mong may ginagawa kami ehh" kunot noo kong sabi sakanya.

"Sige, walang problema. Doon muna ako sa likod and to be clear hindi ko aagawin sayo ang matandang madaldal na to ha. Sige na ikaw na dito" sabi ni Earl kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Ayokong makatay ng maaga, hindi pa ako marunong kumatay din ng tao. Nagsasanay pa lang" pabiro niyang sabi habang tumatawa bago tumayo at tumabi kina Rafael sa likod.

Sinamaan ko silang tatlo ng tingin pero nag kibit balikat lang si Oliver na siyang nasa gitna bago umiling at tumawa saaken.

Ibinalik ko ang tingin ko sa unahan at paupo na si Atlas at dahil ayokong katabi ang madaldal na to agad kong itinaas ang paa ko at nilagay sa katabing upuan para hindi siya makaupo.

Tinignan naman niya ng masama pero nagulat ako ng hawakan niya ang paa ko na nasa kabilang upuan at balak tanggalin pero nakipagmatigasan ako.

"Eunice, isa. Gumagalaw ang sasakyan at pag ako natumba itutulak kita palabas" banta niya saaken at handa na namang makipag-away.

"Hoy! For your information, sasakyan namen eto–"

"Whatever. Edi, sayo na lang ako uupo" sabi niya at biglang naupo sa natitirang space sa upuan ko dahil nakatagilid ako at parang nakahiga na.

"Aray! Hoy naiipit ako ano ba! Tch Atlas ano ba, isa!" Sabi ko ng sandigan niya pa ako.

"Ang ganda ng pangalan ko ano?" Biglang tanong niya saaken kaya natigilan ako dahil natawag ko siya sa totoo niyang pangalan.

Nilingon niya ako at naiiwas ko ang ulo ko sakanya ng bigla niyang ilapit saaken ang mukha niya.

"Maganda din iungol yan" bulong niya saaken kaya pinanlakihan ko siya ng mata at malakas na naitulak. "Aray!" Daing niya ng mahulog siya sa upuan.

"Doon ka nga!" Naiinis kong sabi sakanya at nakarinig naman ako ng tawanan mula sa likod kaya mabilis ko silang tinignan at sinamaan ng tingin.

"Labs naman" nakanguso niya sabi kaya mas pinanlakihan ko siya ng mata.

"Tigilan mo ako!" Naiinis kong sabi sakanya.

Tumawa naman siya at tumayo ulit at naalarma ako ng bigla niya akong binuhat saka siya naupo at yinakap ang bewang ko ng sobrang higpit habang nakakandong ako sakanya at nakasabit ang paa sa gitna ng dalawang upuan.

"Hoy! Kingina neto, bitawan–"

"Should I court you?" Biglang tanong niya pero ibinulong niya lang yun sa tenga ko.

"A-anong sinasabi mo?" Biglang mahina kong tanong sakanya at napatitig sa mukha niya.

mapang-asar niyang sabi naitikom ko ang bibig ko.

The Badass TrioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon